CHAPTER 21 "NEW SCHOOL"

3.9K 136 1
                                    

DEX'S POV

Woooo ito na to!! Naeexcite ako na kinakabahan dahil ito na ang unang araw na papasok ako sa bago kong school.
Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin ang ganda ng uniform ko (parang ako) bagay na bagay sakin.

"Dex tapos kana ba?" -Tita

"Opo Tita bababa nalang po ako"

Kinuha kona ang gamit ko at pumunta na sa labas nag-aabangan nadon si Nathan at nakasimangot na naman haha. Collage na pala sya at yung course na kinukuha nya is Architecture.

"Bakit ang tagal mo? anong oras na oh?" -Nathan

"Sorry na po sir"

"Wag na kayo magtalo, Nathan i want you to guide Dex okay? Because this day is his first time to your school" -Tita

"Mom really? what do you think of me? A tourist guide?" -Nathan

"Basta wag mong iiwan ang pinsan mo" -Tita

Hinatid kami ni  Tita hanggang sa sasakyan , Habang nasa byahe kami ay wala kaming imikan ni Nathan naka suot din kasi sya nang headset kaya wala din saysay kung magsasalita pa ako. Ilang minuto lang ang naging byahe namin at nakarating na kami sa school, Nauna akong lumabas sa sasakyan at halos lumuwa ang mata ko sa ganda at laki ng university sinampal sampal ko ang pisngi ko baka kasi na nanaginip lang ako.

"Tssk, Lets go" -Nathan

Kainis tong si Nathan agaw eksena nagmomoment pa nga ako eh, Sumunod naman din ako agad sa kanya dahil baka maligaw ako wala pa nama akong alam sa pasikot sikot dito.

"Nathan ang ganda pala dito noh? mayayaman din ba lahat ng nag-aaral dito?"

Para akong tanga na nakikipagusap sa hangin kasi hindi nya na naman ako pinapansin, Kainis sya tinopak na naman.

"Uii Nathan mamayang break i tour mo ako dito ha? Para naman hindi ako maligaw"

"Pwede ba? Hindi ako tourguide para ilibot kapa dito malaki kana kaya mona ang sarili mo" -Nathan

"Pero?"

Magsasalita pa sana ako pero iniwan na ako ni Nathan, kita nyo? Bastos talaga sya eh tama ba naman na iwan ako mag-isa, Huhu pano nato? Saan ako maguumpisa? Ang laki nitong School nato eh sana pala sumama na ako kay tita nung Pinaenroll nya ako para kahit paano nakapag tour din ako.

Para akong nanliliit sa sarili ko ang ingay ng mga estudyante sa paligid, Nagtatawanan at naghaharutan. Hays namiss ko tuloy bigla si Miles kamusta na kaya sya? kung nandito lang sana sya hindi ako maboboring.

Kanina pa ako palakad lakad pero hindi ko padin makita yung room ko, Nahihiya kasi ako magtanong sa mga estudyante dito eh.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong estudyante na nakaupo sa tabi at nagbabasa, Dahil wala na akong choice ay lumapit ako sa kanya at nagtanong.

"Kuya alam nyo po ba kung saan banda ang room 512?"

Tumingin sya sakin sabay ngiti, Mga besh! ANG GWAPO NYA!!! ang perfect ng smile nya!  Para akong hihimatayin! Haha wala ganito talaga tayo nga bes! Marupok pag dating sa mga gwapo, Tinamaan ka noh? OO! IKAW NA NAGBABASA NITO! haha Pero aminin natin marami tayong crush pero isa lang ang mahal natin ganyan tayo kaloyal mga baks!.

"Nasa 5th floor yan, Left side"

"Ah--eh salamat po"

My Gosh! Nakakahiya nauutal utal pa ako, Nakakahiya naman kay KYAH.

"Bago kalang ba dito?"

"O-opo"

"Gusto mo samahan na kita?"

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon