DEX'S POVKasabay nang lungkot na nararamdaman ko ay ang pag buhos nang malakas na ulan.
Pati na naman ang langit nalulungkot din? Bakit ba kasi ang malas ko pagdating sa pag-ibig? Sinumpa ba ako na laging masasaktan kapag nagmahal ako?
Gabi na pero hindi padin ako dinadalaw ng antok kanina pa ako nagpagulong gulong pero wala padin saysay, Hindi padin ako makatulog."Dex!!!!!"
Napatayo agad ako sa kinahihigaan ko ng may marinig akong pamilyar na boses, Hindi ako pwedeng magkamali si Nathan yon. Pero anong ginagawa nya dito ng ganitong oras at malakas pa ang ulan.
Lumabas agad ako ng kwarto para puntahan si Nathan sa labas."Anak sino yong sumisigaw sa labas?" -Mama
"Si Nathan po ma"
"Ha? Bakit ano namang kailangan nya?" -Mama
"Hindi ko po alam ma, Pero pupuntahan ko po muna sya"
Kinuha ko agad yung payong at lumabas nang bahay, Ano ba kasing kailangan ni Nathan.
"Nathan ano bang kailangan mo?"
"Dex, Wag kanang lumayo please" -Nathan
Napansin kong parang nakainom si Nathan, Lumapit agad ako sa kanya at pinayungan sya dahil basang basa na sya.
"Nathan pumasok muna tayo sa loob, Baka magkasakit ka"
"Dex sabihin mo sakin na mahal mo ako" - Nathan
"Nathan naka inom ka, Bukas nalang tayo mag-usap"
"Ayos lang ako alam ko ang ginagawa ko" -Nathan
"Ano ba kasing naisip mo at pumunta kapa dito kahit alam mong malakas ang ulan"
"Kasi gusto kitang makita" -Nathan
Inalalayan ko si Nathan na makapasok sa bahay, Pati ako nabasa nadin dahil nagkadikit kaming dalawa.
"Jusko po, Nathan bakit ka nagpakabasa sa ulan?" -Mama
Nagpatulong ako kay mama na dalhin si Nathan sa kwarto ko at hiniga ko sya don, Kumuha agad ako ng towel para mapunsan sya.
"Ma pakuhaan naman po ako ng mga hindi na ginagamit ni papa na damit"
"Sige anak" -Mama
Naawa tuloy ako bigla kay Nathan, Sobrang naguguilty tuloy ako sa ginawa ko sa kanya.
Ilang minuto lang nakabalik na si mama daldala yung mga damit ni papa.
"Ma ako napong bahala kay Nathan"
"Talaga? Bakit parang nakainom ata sya, Alam ba ni Tita Emman moto? Baka nag-aalala nayon" -Mama
"Ako nalang po magsasabi kay Tita Emman"
"Sige ikaw bahala" -Mama
Lumabas na si mama at naiwan nalang kami ni Nathan, Naaawa talaga ako kay Nathan.
Tinanggal kona yung suot nyang damit at pinunasan sya para hindi sya lamigin.
"Dex?" -Nathan
"Bakit?"
Bumangon si Nathan at hinawakan ako sa ulo tapos hindi kona napigilan ang sumunod na nangyari. Hinalikan nya ako, Para akong nakuryente sa halik nayon at hindi ako nakakilos agad.
Mayamaya ay natumba nalang bigla si Nathan, Nakatulog na sya. Hinubaran kona si Nathan (Oo hinubaran ko sya pero pinatay ko muna yung ilaw wag kayong ano dyan! Atsaka walang malisya sakin yon) Sinuot ko sa kanya yung mga damit ni papa na hindi na nya ginagamit dahil maliit na sa kanya.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...