DEX'S POVNgayon na ang araw nang Grand Ball, Ayaw ko na sanang sumama pero itong si Nathan sinabi na pala kay Tita Emman na may Grand ball kami.
Kaya itong si Tita Emman sinama agad ako sa patahian.Naghire din si Tita Emman nang magaayos sakin dahil kahit bakla ako ay wala akong kaalam alam pagdating sa make up haha ang alam kolang ay ang paggamit ng pulbo haha.
"Ayan Perfect! You look so gorgeous"
Tumingin ako sa salamin at nagulat ako sa nakita ko.
OMG! totoo ba to? si Liza Soberrano ang nakikita ko? Hahaha joke! Mukha akong fresh ngayon sa make up ko hindi mukhang hagardouz."Wow Dex, Ang ganda mo naman" -Tita
"Thank you tita, Mana lang ako sayo"
"Haha ikaw talaga binobola mopa ako" -Tita
"Hindi Tita, Promise ang ganda nyo at nagmana lang ako sa inyo"
"Talaga? Sige na kung tapos kana labas ka nalang at ipapahatid ko kayo kay Kuya Alex" -Tita
"Sige po tita Lalabas nadin po ako"
Tumingin ulit ako sa salamib dahil ang ganda ko talaga! Promise walang halong biro haha Actually hindi ako naka gown dahil hindi naman ako sanay na nagsusuot ng pambabae. Si Nathan kaya anong itsura non?
Paglabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Nathan, Napanganga ako dahil sa ayos nya lakas maka Enriqie Gil! Wala akong masabi kahit ano talagang isuot nya bagay na bagay sa kanya. Effortless kumbaga.
"Gwapong gwapo kana naman sakin kaya ka nakatulala dyan?"
Nawala yung mga iniimagine ko ng marinig ko ang boses ni Nathan.
"Hoy Hindi ah!"
"Really? Kaya pala tumulo na ang laway mo"
What!! Ako tulo laway? Napahawak tuloy ako sa labi ko, Pero wala naman akong nahawakang laway.
"Wala naman ah?"
"Wala nga"
Inirapan ko nalang si Nathan kasi nakakainis sya ang lakas nya mang trip.
"Dex may naghahanap sayo sa baba"
Bungad sakin ni ate Erna ng makita nya ako.
"Sino po?"
"Daniel daw"
OW EM! Si Dan nasa baba? Bakit? Paano? Ang usapan namin ay sa Venue na kami magkikita.
"Tsk"
"Nathan puntahan ko lang si Dan ha?"
Hindi sya sumagot sakin pero alam kong inis sya haha, Bumaba na ako para puntahan si Dan at naabutan ko sya na kausap si Tita at nga bes!!!! Hindi kayo maniniwala! ang gwapo ni Dan!!!! Lord why? Bakit ang gwapo nya?
Nang makita nila ako ay nilapitan ako ni tita."Dex hindi mo naman sinabi sakin na may Gwapo ka palang manliligaw"
Biglang nag-init yung mukha ko dahil sa sinabi ni Tita, Si Dan naman napangiti lang.
"Tita Hindi po, Kaibigan ko lang yan"
"Sus naman Dex san ba nagsisimula yan diba sa pagkakaibigan?"
Sa pagkakaibigan nga ba nagsisimula ang lahat? Bigla ko tuloy naalala si Mark, Dati kaibigan lang ang tingin ko kay Mark pero habang patagal ng patagal ay nagulat nalang ako isang araw Mahal kona pala ang Bestfriend ko.
"Tita, We're Just Friend"
See?
Friend nga lang Kami Eh!!! Friend lang!!! Haha, Lakas nya maka Tita Close agad sila.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...