CHAPTER 46

3.6K 113 2
                                    


NATHAN'S POV

Pagkadating ko sa kusina ay si Dex ang naabutan ko.

"GoodMorning Nathan, Kain kana ako nagluto nyan" -Dex

Pinagmasdan ko lang sya at mukhang masaya sya, Ano kayang nagyari sa kanya bakit parang ang ganda ata ng gising nya. Hanggang ngayon ba naman hindi padin sya maka get over sa concert ng Idol nya.
Umupo ako at hinainan nya ako, Hinayaan ko nalang sya dahil gusto nya yun eh.

"Bakit ikaw ang nagluto asan yung mga katulong? Si Mommy asan?"

"Si tita tulog pa yata, Hindi kona ginising dahil alam kong pagod yon. Tsaka ako na yung nagsabi kala ate Erna na ako nalang ang maghanda ng almusal natin" -Dex

"Ano namang nakain mo at nagluto ka?"

"Kainis ka talaga Nathan hindi ka marunong mag appreciate, Nagluto ako para naman makabawi ako sayo" -Dex

Haha pikunin talaga sya gusto ko lang naman talaga sya mainis dahil ang cute nya kapag naiis sya. Atsaka Pritong itlog at hotdog lang naman ang niluto nya akala mo naman napakahirap gawin yon haha.

"Gusto mo talaga makabawi sakin?"

"Oo, Kaya nga kita pinagluto diba" -Dex

"Kung gusto mo makabawi sakin sumama ka sakin mamaya"

"Saan na naman? Baka kung saan mona naman ako dalhin ha" -Dex

"Wag kang OA, Pupunta lang tayo sa party ng isa sa mga kaibigan ko"

"Ano na namang gagawin don?" -Dex

"Malamang makikiparty, Alangan naman humiga tayo don"

"Haha nakakatawa, Baka puro inuman na naman yan isusumbong talaga kita kay Tita" -Dex

"Minsan lang naman to wag kang KJ dyan bakit ikaw hindi kaba umiinom?"

"Umiinom syempre! Pero tubig lang. At Nakakahiya kasi baka hindi ako belong don ma OP lang ako" -Dex

"Sinabi kona sa kanila na isasama kita, At hindi ka maOOP don kasama mo naman ako"

Nakakatawa talaga si Dex nakakawala sya ng stress. Sabay kaming nag almusal tapos nagasi kaso nadin dahil may klase pa kami.


DEX'S POV

Party na naman? Sa lahat ng ayaw ko ang pumunta sa party hindi kasi ako sanay na makihalubilo sa iba maliban nalang kung mga kilala ko. Atsaka kilala ko yung mga mukha ng mga kaibigan ni Nathan kahit mayayaman ay halatang mga lasenggo din haha.

Habang nasa byahe kami ay nagfacebook muna ako at pagtingin ko may nag friend request sakin, Chineck ko agad at pagtingin ko si Irish inaccept ko agad.

'Hi Dex? Thanks for the accept'

Nag message sya agad sakin, Mukha namang mabait talaga si Irish hindi lang siguro sila nagkaintindihan ni Jasmine nuon.

'Welcome'

reply ko agad sa kanya, Typing naman agad sya.

'Dex kamusta na pala yung Favor ko sayo? Nasabi mo na ba kay Nathan  na mag-usap kami?' - Irish

Hala! Oo nga pala! Hindi kona nasabi ulit kay Nathan ang tungkol duon masyado kasi akong naka focus sa concert ni Ken.

'Hindi pa ako maka tyempo eh, Lagi kasing Badtrip si Nathan baka mabugahan ako ng apoy😂😂'

'Haha sige antayin ko nalang, Message me nalang if ever nasabi mona or mag-uusap na kaming dalawa' -Irish

Napatingin nalang ako kay Nathan ng wala sa oras. Pano koba sila magagawang pag-usaping dalawa? Eh banggitin ko pa nga lang ang pangalan ni Irish ay nanlilisik na agad yung mata nya sa inis. Gusto ko din silang tulungan na magkausap malay mo magkabalikan pa sila dahil sa tingin ko mahal na mahal padin nila ang isat-isa.
Sunod na nag chat sakin ay si Dan tinatanong nya kung nasaan na ako, Huhu kilig sa ako masaya na ako na chat ko yung Crush ko hindi lahat ng tao nabibigyan ng chance para maging close yung mga crush nila.

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon