DEX'S POV
Akala ko kaya ko, Akala ko malakas na ako Pero hindi pa pala. Nakakaramdam padin ako ng sakit sa twing nakikita kong magkasama si Mark at Sheena, Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.
Pagbukas ko kasi ng facebook nakita ko agad yung picture na in upload ni Mark at magkasama sila ni Sheena.Ang bigat ng pakiramdam ko at wala akong gana pumasok, Natatakot ako sa sasabihin ng iba nagkalat ako kahapon sigurado ako. Ako ang laman ng usapan sa buong school.
"Anak ayos kana ba? kung hindi pa magpahinga kana muna" alalang sabi ni Mama
Ngumiti lang ako kay mama, at nagtaklob ulit ng kumot.
Naguguluhan ako kung ano ang dapat kong gawin, Parang magkakasakit ako na ewan. Tumutulo na naman ulit ang mga luha sa mata ko, Kahit anong pigil ko ay wala akong magawa.
Si Mark naka ilang messages at tawag sakin pero ni isa hindi ko sinagot, Kahit si Miles hindi din ako nagawang makausap.
Bumangon ako at kinuha yung papel sa bag ko kung saan nakasulat ang tulang ginawa ko para kay Mark tinitigan ko muna yon bago punitin at ibato sa sahig.Wala na rin sigurong saysay kung maririnig pa ni Mark ang tulang to, Hindi na din mababago ang katotohanan na may mahal na syang iba.
MARK'S POV
Nakailang tawag at messages nako kay Dex pero hindi paden sya sumasagot, Nag-aalala na tuloy ako sa kanya.
Pupuntahan ko nalang sya siguro mamayang uwian.Habang nagcecellphone ako ay pumasok si Kuya Jay-r actually Gay sya pero kuya ang tawag ko sa kanya at magpinsan kami, off nya pala ngayon.
"Ang aga-aga nagcecellphone ka, Sino na naman yang ka chat mo?"
"Si Dex lang kuya. Pero ayaw nya sagutin eh"
"Ha? bakit naman? baka nagtatampo sya sayo"
Bakit naman nagtatampo sakin si Dex, Wala naman akong ginawa na makakasama kay Dex.
"Wala yong tampos sakin, Ang sabi nya lang may problema daw sya"
"Nako, Baka broken Hearted lang yon"
Napaisip ako sa sinabi ni Kuya, Pano kaya kung totoo ang sinasabi nya? Si Dex Broken hearted? kanina naman? eh wala namang boyfriend yon kung meron man dapat alam ko yon.
"Pano mo malalaman na broken hearted ang isang tao?"
"Simple lang, Titigan mo sya sa mga mata nya at malalaman mo ang sagot sa tanong mo. Kung hindi sya makatingin ng diretso sayo malamang broken hearted yon"
Ang lalim ng hugot ni kuya haha siguro naranasan na nya ang mabroken hehe.
"Kakausapin ko nalang siguro sya mamaya kuya para hindi ako nagiisip ng kung ano-ano"
"Mas mabuti pa nga, Pag nakita mo sya sabihin mo punta naman sya dito pag day off ko para makapag bonding kami"
"Sige kuya"
"Wait may itatanong pala ako sayo, Sino yung girl na kasama mo sa facebook?"
Ay nakita na pala ni kuya haha kaka upload kolang yon kagabi, Hindi pa siguro nakikita ni mama.
"Ah eh kuya si Sheena po, Nililigawan ko"
"What!?!?!"
"Kuya wag mo muna sabihin kay mama ha? ano nalang magsasabi sa kanya"
"Nako malalaman nya din yan, Ayon pa mukhang facebook din si tita eh haha. Pero seryos nang liligaw kana? nag bibinata na talaga ang pinsan ko"
"Kuya binata naman na talaga ako ha?"
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...