MARK'S POV
Maaga akong gumising dahil susunduin ko si Sheena sa meeting place namin hindi kopa kasi sya pwedeng sunduin sa kanila dahil hindi pa nya nasasabi sa parents nya ang tungkol saming dalawa, Sobrang excited ko kasi ito ang unang araw namin biglang magkasintahan.
"Anak bakit abot tenga yang ngiti mo? Sinagot kana ba ng girlfriend mo?" -mama
"Ah eh paano nyo po nalaman?"
"HighTech na ang panahon ngayon, Nakita ko sa Facebook" -mama
Oo nga pala feeling millenial to si Mama haha mas updated pa nga sya kesa sakin eh, Ayaw nya daw kasi tumanda kahit wala na sa kalendaryo yung edad nya.
Lumapit sakin si Mama at ginulo ang buhok ko, Kainis naman si mama inayos ko kaya tong buhok ng matagal tapos guguluhin nya lang."Ma yung buhok ko po"
"Binata na talaga itong anak ko. May girlfriend na, kelan moba sya ipapakilala sakin?" -mama
"Tatanong kopa po sa kanya ma, Kung kelan sya pwedeng pumunta dito"
"Sige anak" -mama
Nagpaalam na ako kay Mama dahil baka matraffic ako, Mabuti nalang ayos lang kay mama at mukhang excited sya na makilala si Sheena.
Ngayon ko nalang ulit naranasan ang mainlove at kiligin ng ganito kaya sobrang excited ko talaga.
10 minutes na akong naghihintay kay Sheena pero wala paden sya, Nakailang messages nadin ako sa kanya pero walang reply.
Bigla ko tuloy naalala si Dex, Kasi kami pag magkikita kami kailangan talaga on time maliban nalang kung nagka emergency.
Habang nag-aantay ako kay Sheena ay nakita ko si Dex na naglalakad kaso bakit kaya hindi sya naka uniform, Nilapitan ko agad sya ay tinakpan yung mata nya katulad ng lagi kong ginagawa sa kanya.
Kaya lang nagulat ako dahil nang humarap yung tinakpan ko ay hindi sya si Dex, Ibang tao sya."Bakit po may problema ba?"
"Ah eh sorry po, akala ko kasi ikaw yung kaibigan ko"
Umalis din naman agad sya Nakakahiya yung ginawa ko mabuti nalang hindi sya nagalit sakin.
Nag-antay pa ako ng ilang minuto bago sya dumating."Mark sorry ha? traffic kasi eh, Kanina kapa ba dito?" -Sheena
"Hindi naman, Ano tara na?"
Tumango lang sya sakin at naglakad na kami papunta sa sakayan ng Jeep, Habang naglalakad kami ay pasimple ko syang hinahawakan sa kamay (Hokage moves) at nang nahawakan ko yon ay hindi naman sya umangal kaya hindi kona binitawana ang kamay nya hanggang sa makasakay kami.
Ako nadin ang nagbayad ng pamasahe namin, At pinaypayan kodin sya ng mapansin kong naiinitin sya.
Gusto ko kasing ma feel ni Sheena na talagang mahal ko sya. Hinatid kodin sya hanggang sa makapasok sya at habang naglalakad ako ay nasalubong ko si Tyrone."Tol san ka galing?" Tanong nya sakin.
"Ah hinatid ko lang yung Girlfriend ko""Naks naman, Ang sweet mo namang boyfriend" -Tyrone
"Haha hindi naman, Parang ikaw hindi mo hinahatid ang girlfriend mo"
"Ganon talaga tol, Baka kasi may umaligid alam mo na" -Tyrone
May pag segurista din pala tong si Tyrone eh.
"Asan pala si Dex?" -Tyrone
Speaking of Dex kahapon kopa sya hindi nakikita, At hindi kona nadin sya nagawang ichat dahil nawala sa isip ko masyado kasi akong nasiyahan kahapon. Kung hindi dahil sa kanya hindi magiging tagumpay ang surpresa ko kahapon.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...