DEX'S POV
Nagising nalang ako na nakayakap ako kay Nathan, OMG! PULGOSO ASO NI MARIMAR!!! napatayo ako bigla Mabuti nalang tulog pa sya baka isipin nya pinagsamantalahan ko sya, Pagtingin ko sa orasan 9:30 na ng umaga.
Grr bago pa masira ang araw ko ay lumabas na ako ng kwarto para makapaghilamos na.
Habang papunta ako sa CR ay nakasalubong ko si Mama."Anak anong nangyari sayo?" -mama
"Ha bakit ma?"
Ang aga aga ang lakas na naman ng trip ni mama.
"Bakit puro sulat ang mukha mo?" -mama
Ewan ko kung maniniwala ako kay mama o hindi kasi nakangiti sya habang nagsasalita.
"Ma? Maglaba napo kayo, Malabo lang ang mata nyo kaya hindi nyo maappreciate ang gandang #Wokeuplikethis"
Alam ko naman kasi na niloloko ako ni mama, Pano naman ako magkakasulat sa mukha ano yon Magic?
Pumasok na ako ng Cr at saktong sakto pagtingin ko sa salamin ay hindi kaaya aya ang nakita ng magandang mata ko, Yung mukha ko puro sulat!!! Totoo nga yung sinasabi ni mama hindi nga sya nagbibiro! Sino naman kaya ang gagawa nito???.
NATHAN!!!!!!!!!!!! sya lang ang gagawa nito!!!
Lumabas agad ako ng CR at tumakbo pabalik ng kwarto, Mahimbing padin na natutulog ang bwiset. Kinuha ko yung unan ko at pinaghahampas ko sya. Nagising din naman agad sya sa ilang hampas ko."Anong problema mo? nakakatulog pa ako eh" -Nathan
"Problema? Ginawa mo lang naman Papel yung mukha ko! yun ang problema"
"I dont know what your talking about" -Nathan
"Maang maangan kapa!"
Hinampas ko ulit sya ng unan, Ang aga aga sinisira nya ang araw ko. Ang ganda na sana ng gising ko tapos sisirain nya lang.
"Stop it!, I am not the one who did that to you" -Nathan
"Nagsisinungaling kapa, Sino naman gagawa sakin nito?"
Pinaghahampas ko padin sya nang unan, Magsisinungaling pa sya eh wala naman ibang gagawa sakin nito kundi sya lang, Sya lang naman ang mahilig mambwiset sakin.
Mayamaya ay biglang dumating si mama."Anak ano bang ingay yan? Ang lakas ng boses mo rinig na rinig yung boses mo hanggang kabilang kanto" -mama
Wow coming from her haha akala mo ang hina ng boses nya haha.
"Ma ito kasing si Nathan sinulatan ang mukha ko"
"Nako Dex, Hindi si Nathan ang nagsulat nya ako yon. Ang lakas kasi ng hilik mo kanina kaya naisipan kong sulatan ka haha" -mama
"Ma!!!!!"
"See? Hindi mo muna kasi inaalam ang totoo bago ka manghampas dyan" -Nathan
"Edi sorry!"
Malay koba na si mama yon, Eh sya lang kasi ang unang pumasok sa isip ko na gagawa sakin non.
"Oh sya Magalmusal na kayong dalawa At pagkatapos ay mamalengke kayo ng uulamin natin mamaya" -mama
Aba ang susyal ni mama may pangpalengke na kami ah haha porket may bwisita lang.
After kong kumain ay kinuha kona yung susuotin ko at dumiretso agad ako ng CR para maligo, Pero pagtingin ko sa drum namin wala ng laman yung gripo wala ding lumalabas na tubig. Ano ba namang tubig to oh wala na ngang love life pati ba naman tubig wala din.
"Ma!!!!! wala na tayong tubig?????" sigaw ko kay mama mga level 5 lang ang ginamit ko para hindi malakas.
"Anak wala na! Ginamit ko sa paglalaba! mag-igib ka nalang sa poso dun sa kanto!" -mama
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...