CHAPTER 24

3.8K 134 1
                                    

DEX'S POV

Pag-gising kinabukasan ay nakahain na ang almusal at nasa bahay nadin si Tita Emman.

"Dex buti gising kana, Halika na para makapag almusal kana" yaya sakin ni Tita

"Tita kelan po kayo nakauwe?"

"Nako gabi na haha, Kamusta pala dito nung wala ako. Si Nathan? Goodboy ba sya?"

Si Nathan Goodboy?? Nako ito na yung chance ko para isumbong sya wahahaha.
Pero bigla kong naalala yung ginawa nya kahapon.

"Opo tita, Goodboy si Nathan"

"Baka sinasabi molang yan dahil tinakot ka ni Nathan"

"Hindi po tita, Goodboy talaga sya"

"Speaking of Goodboy ayan na pala sya, Nathan Halika na dito sumabay kana samin"

Lumapit si Nathan kay tita at nagbeso pa sila, Naka uniform na si Nathan. Umupo sya sa tabi ko.

"Bakit hindi ka naka uniform hindi kaba papasok?"

Natigil ako sa pagkain ng magsalita sya.

"Oo nga Dex, Hindi kaba papasok?"

"Ah eh opo hindi po ako papasok ngayon, Tita pwede po ba akong umuwe muna samin? namimiss kona po kasi sila mama Friday nadin naman pero babalik din po ako ng sunday ng gabi"

"Ah ok, sige ikaw bahala"

"Tsk"

Mabuti nalang talaga madaling kausap si tita at pumayag siya pero itong si Nathan may pa tssk tssk pang nalalaman akala naman nya mapipigilan nya ako.

"Kung gusto mo sumabay kana din kay Nathan pag alis para ipahatid na kita kay kuya Alex"

"Sige po tita, Salamat po"

Tinapos ko muna ang pagkain at kinuha ko yung gamit ko, OMG! excited na akong umuwe.

Hindi na ako nagdala ng maraming gamit dahil meron pa naman akong naiwan sa bahay namin. Hindi kona din itetext si mama dahil gusto ko syang isurprise.

Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako sa mga friends kong katulong at syempre kay Tita.

Kaso saglit lang kasi si Nathan excited umalis, Kahit kelan talaga basag trip sya!

"Dex uuwe ka ngayon sa inyo?" Tanong sakin ni kuya alex

"Opo kuya, Pero kuya alex unahin nyo nang ihatid si Nathan baka kasi malate sya"

"Okay"

"Tssk, Ideretso nyo na sa bahay nila Dex"

"Pero Sir? Malelate po kayo"

"So? I dont care"

Wala nang nagawa si kuya alex kundi ang sumunod, wala eh si Nathan ang boss kaya sya ang masusunod.

"Nathan okay lang ako, Ikaw na muna ang ihatid"

"Are you Deft? ang sabi ko sa inyo na idiretso"

Ayan na sya, G na G na naman huhu akala mo araw araw meron ahaha.

"Eh kasi malelate ka nga"

"I'm not going to school"

"Ano? eh saan ka naman pupunta?"

"Sa inyo"

Luh?? Desisyon?

Para akong nabingi sa sinabi nya, Siya pupunta samin??????? At anong nakain nya para pumunta sya sa bahay? Ano na naman kayang trip nya??

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon