DEX'S POVTunawag sakin si Miles nangangamusta at gusto nya daw makipag kita sakin kasi miss na miss na daw nya ako at may importante syang sasabihin sakin, Ano kaya yon?. Pumayag naman ako kasi miss kona din sya at mukhang importante din ang sasabihin nya sakin.
Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakita akong nakadikit sa dingding na mga pictures namin ni Nathan.
Pinagtatanggal ko naman agad at tinanong ko sa mga estudyante kung sino ang nagdikit non pero ni isa walang nag-salita.
Pero alam ko naman na si Irish lang ang may gawa nito, Bakit ba hindi parin sya tumitigil? Ano pa bang gusto nya?
Maganda na sana ang umaga ko pero nasira na dahil sa mga pinagdidikit ni Irish at ang mas malala pa may nakasulat pa sa poster.'Ako si Dex nainlove ako sa Pinsan ko'
Akala ko tapos na ang issue pero sinisimulan na naman nya.
Nang matanggal ko lahat ng nakadikit ay hinanap ko agad si Irish, Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko agad sya sa room nila hindi ako nagdalawang isip na pumasok don kahit teritoryo nya pa yon. Ibinato ko sa kanya yung mga papel na kinuha ko, Nagulat naman sya sa ginawa ko.
"What the?!!!!! Anong problema mo?!!!" - Irish
"Problema? Ikaw ang problema ko Irish at yang makitid mong utak!"
"Ano bang pinagsasabi mo?!" -Irish
"Wag kanang magmaang maangan alam ko naman na ikaw ang nagdikit nyan para pag-usapan na naman ako. Hindi kapa nagsasawa? Hindi kaba napapagod na awayin at sirain ako? Kasi ako pagod na!"
"Kung napapagod ka hindi kona problema yon, At para sa kaalaman mo hindi ako mapapagod hanggat hindi mo tinitigilan yang kalandian mo at pang-aahas kay Nathan" -Irish
"Wala akong inaahas at hindi ko din kasalanan na mas mahal ako ni Nathan kesa sayo dahil dyan sa ugali mo"
"At proud kapa na pumapatol ka sa sarili mong Pinsan? Ganyan kana ba kadesperada?" -Irish
"Kahit kailan hindi ako naging desperada katulad mo. Dahil hindi ko kayang manira at manakit ng ibang tao para lang makuha ang gusto ko"
"Desperada pala ha?"
Sasampalin na sana ako ni Irish pero sinalag ako at binitawan ko ang kamay nya.
"Sa susunod na siraan mo pa ako makikita mo ang hinahanap mo. At kayong lahat OO nainlove ako sa pinsan ko, Mali man para sa inyo pero ito lang ang masasabi ko sa inyo. Kapag nainlove kayo hindi nyo mapipili kung sino ang mamahalin nyo"
Lalapitan na sana ako nila Bea at Venus pero nagsalita ako.
"At kayo? Kinukunsinti nyo pa talaga ang mga ginagawa ng kaibigan nyo?"
"Ano bang pakialam mo kung kinukunsinti namin sya?" -Venus
"Meron akong paki kasi ako ang nasasaktan ako ang nasisira oo mali nga na nainlove ako alam ko yon. Pero kailangan talaga sirain nyo pa ako sa ibang tao?"
"How dare you!" -Irish
Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko, Pero hindi ako gumanti kung dito sya magiging masaya edi ibibigay ko sa kanya para matapos na. Kinuha ko yung kamay nya at pilit na sinasampal sa mukha ko.
"Sige sampalin mo pa ako kung dito ka magiging masaya, Sampalin mo lang ako hanggat gusto mo hindi ako lalaban sayo. Sampalin mo na ako para matapos na! Sawang sawa na ako sakaka sabi sayo na hindi ko inahas sayo si Nathan, Mahirap bang intindihin yon?!"
Pero ni isang sampal hindi binigay sakin ni Irish hindi ko alam kung bakit pero maging sya ay natahimik at umalis nalang.
Yung mga tao sa paligid ay tahimik lang nang lumabas ako.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
Hayran KurguHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...