CHAPTER 9

3.8K 141 4
                                    

DEX'S POV

Nakakatamad ngayong araw wala naman kaming pasok ngayon pero kailangan namin pumunta sa ibang school para lang manuod ng laban ng School namin sa basketball, Wala naman kasi akong hilig sa larong basketball ang hilig ko ay mga player, Char! haha kung hindi lang talaga dahil kay Mark hindi ako pupunta don nangako kasi ako sa kanya na manunuod ako ng laro nya.

Ang problema kulang ngayon ay wala akong kasama papunta don, Dahil hindi makakasama si Miles may lakad daw silang pamilya At ang mama ko baka bungangaan na naman ako dahil manghihingi ako ng pera sa kanya kahit wala namang pasok haha.

Pag bukas ko ng Facebook ay may message nadon si Mark.

"Pumunta ka ha? Pagdika pumunta Lagot ka sakin"

Diba tinakot pa nya ako? para naman may choice ako, Tumayo na ako para makapag asikaso nadin. Kainis wala kasi si Miles dipa naman ako sanay sa mga byahe haha.

After kong maligo ay kumain ako para hindi na ako bibili sa labas para tipid haha, Nanghina na ako kay mama ng pamasahe at nagpaalam na ako sa kanya.

Habang nasa Jeep ako ay may umakyat na  badjao ata yon? at may kasamang baby basta kung ano mang tawag sa kanila. Lumapit siya isa-isa sa mga pasahero at nagbigay ng sobre samin, Binasa ko yung nakasulat sa likod ng sobre.

"Ako po ay humihingi ng konting tulong, Pangkain lang po"

Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanila o hindi dahil kung talagang wala silang makain.

Pano nila na afford ang madaming sobre? at take note ang ganda pa ng hand written mas maganda pa sa sulat ko ano kayang brand ng ballpen ang gamit nya?

Pero sa huli ay nagbigay ako ng konting barya, Konti lang kasi wala din naman akong pera mahirap lang kami haha. Kahit sa ganong paraan man lang ay makatulong ako. Gamitin man nila sa tama o hindi bahala na ang Diyos sa kanila..

Dapat pala inagahan ko ang alis dahil Pashnea! Traffic! Malelate ako nito baka pagdating ko don tapos na sila.

"Nag message ako kay Mark at sinabi kong nasa byahe na ako kaya lang traffic"

Nagreply naman sya agad.

"Sige ingat, Kita nalang tayo dito"

Napangiti naman ako sa nabasa ko, Hehe enebe! Ang sweet kasi ni Mark pero bigla kodin na naisip na hindi lang pala sya sakin ganon pati den sa iba.

Hagardouz na ako mga besh papunta palang ako pero mukha na akong uwian, Grabe na talaga ang init dito sa Pilipinas minsa naiisip ko pwede na akong mag ihaw sa bubong namin haha.

Pag dating ko sa School kung saan maglalaro sila Mark ay tumakbo agad ako papasok dahil sigurado ako kanina pa nagsstart ang laro nila.

Pero san ba ang court nila dito? kainis naman nagmamadali na nga ako eh, Nagtanong ako sa mga estudyante na nakasalubong ko at sinabi naman nila sakin kung saan.

Pagdating ko sa Court ay ang ingay ng mga estudyante na nandon, Pagkita ko sa score ay lamang yung kalaban ng 8 na puntos. Hala! bakit tambak ng 8! anong ba ang ginagawa nila?!

Tumawag ng Time out yung Team namin, Nakita ako ni Mark na nakatayo sa gilid kaya kumaway sya sakin at pinalapit ako nandon din si Sheena sa pwesto ng mga player.

"Dex bakit ngayon kalang?"

"Traffic nga diba? dika pa nasanay sa Pinas"

"Nako Dex kanina kapa hinihintay nyang si Mark"

"Talaga?"

"Oo kanina pa kita hinihintay, Kasi nga nangako ka sakin na manunuod ka diba? syempre inexpect ko na dadating ka"

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon