DEX'S POVKainis yung dalawa na yon hindi padin magkasundo sarap pagkokotongan haha.
Napilitan akong magwalk out sa kanila dahil mukha namang wala silang balak pakinggan ako, Habang naglalakad ako ay biglang nasa tabi kona si Nathan."Anong ginagawa mo dito? diba nag-aaway kayo?"
"Uuwe na din ako, Bakit may problema?" -Nathan
"Wala, sinabi kobang meron?"
"Tssk" -Nathan
"Wag mo na nga ako sundan pwede?"
"Bakit naman kita susundan? Artista kaba? Malamang iisa lang ang daan natin pauwe kaya wala akong choice kundi ang makasabay ka" -Nathan
Aba!!! Ang dating sya talaga ang nag adjust saming dalawa? Ako nga dapat ang galit eh, Pero sya tong tinotopak.
Habang naglalakad ako ay nagulat nalang ako ng hawakan ni Nathan yung kamay ko at hilahin ng walang sabi sabi."Hoy saan mo ako dadalhin? Uuwe na ako ano kaba"
Hindi nya ako pinakinggan at hila hila pa din nya ako.
"Pwede ba tumahimik ka" -Nathan
"Pano ako tatahimik eh hilala mo ako, Bitawan mona ako. Pag dimo ako binitawan sisigaw ako"
"Sige subukan mo" -Nathan
"Aba hinahamon mo talaga ako?"
"Subukan mong sumigaw, Ipagkakalat ko na hinalikan mo ako" -Nathan
Para akong nabingi dahil sa sinabi nya, Parang gusto ko nalang na matunaw at maglaho na parang isang bula.
"Hoy! Sinabi ko na nga na hindi ko sinasadya yon diba? Bakit akala mo ba talaga na gusto kitang halikan? Neknek mo!"
"Seriously? Eh mukhang nagenjoy ka nga" -Nathan
Nagblush ako dahil sa sinabi nya, Inaasar ba nya ako? Hindi ko naman talaga ginusto yon bakit ba ayaw nya maniwala???
"Hoy ang kapal mo!!!!"
Pinaghahampas ko sya sa braso pero hilahila padin nya ako, ayaw nya talaga ako bitawan.
Pumara ulit sya ng taxi at sapilitan akong pinasakay, Hindi nadin ako umangal kasi baka iopen na naman nya yung about sa kiss namin. Huhuhu hini ko naman talaga gusto yon eh, Nadala lang ako ng bugso ng damdamin ko. Kung maibabalik kolang ang oras hindi ko gagawin yon HINDING HINDI.
Bumaba kami ni Nathan sa isang pamilyar na lugar, Yung lugar kung saan nya ako dinala nung sobrang nasasaktan ako.
Hawak hawak padin nya yung kamay ko habang naglalakad kami, Medyo naiilang na ako kaso nahihiya naman ako na magsalita."Nathan anong ginagawa natin dito?"
"Dex anong naramdaman mo nung nalaman mong mahal mona si Mark?" -Nathan
Hindi ko alam kung paano ko sasagutin yung tanong ni Nathan. Dahil hindi ko din alam kung bakit nya biglang natanong ang bagay nayon. Pero umupo sa bandang may damo at pinagmasdan ang magandang tanawin umupo din si Nathan sa tabi ko.
"Alam mo kung ano yung naramdaman ko? Kasi given na yung gusto ko syang makasama at palagi syang nasa isip ko. Tsaka kolang narealize na mahal kona si Mark nung naiinis ako kapag may kausap syang ibang babae at nung nalaman kong may iba syang gusto ay sobra akong nasaktan"
"Andaya nang tadhana noh? Kasi minsan ginagawa nyang komplikado ang lahat" -Nathan
Mukhang may pinagdadaanan ata si Nathan kasi biglang naging madrama sya eh haha.
"Bakit mo naman biglang natanong ang bagay nayon?"
Humarap ako sa kanya, Nagkatitigan kami. Para akong na estatwa at nagaabang nalang sa susunod na mangyayari.
Dahan dahan lumapit yung mukha ni Nathan sakin, Gusto kong gumalaw pero ayaw ng katawan ko. Gusto kong magsalita para sabihin kay Nathan na mali tong gagawin nya, Pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...