CHAPTER 22 "MISSING HIM"

3.8K 135 0
                                    

DEX'S POV

Wala si Tita ngayon nagpunta sa mga friends nya si Tito Greg naman nasa business trip nya kaya kami lang ang naiwan ni Nathan pati ng apat na katulong.

Maaga akong nagising dahil baka umangal na naman yung Sungit nayon.
After kong mag-ayos ay bumaba na ako para magalmusal Maganda ang gising ko ngayon at ayaw kong may sisira nito, Nagtataka ako kasi wala si Nathan hindi kodin sya nakita pagbaba ko baka humihilik pa yon haha.

"Manang nakita nyo po ba si Nathan?"

"Nako Dex, kanina pa umalis nagmamadali nga kanina eh" -manang

"Ano?!"

Muntik konang mabuga yung kinakain ko, Bwiset talaga na Nathan yon! Iniwan ako! inagahan ko na ang gising eh yun pala inagahan nya din!! Hindi na talaga ako natutuwa sa kanya Grrrr.

"Bakit hindi kaba nya sinabihan?" -manang

"Hindi po eh"

Kainis kailangan kopa tuloy mag commute, Ang sama talaga ng ugali nya. Wala naman akong ginagawa sa kanya pero ang lakas ng trip nya inaruga naman sya ng maayos nila tita bakit kaya ganyan sya. Pakitang tao pa sya pag nandyan sila tita ang bait bait pero pag wala topakin.

Nagmadali na akong umalis ng bahay dahil baka maabutan ako ng super duper mega Traffic haha alam nyo naman dito sa pilipinas akala mo isang malaking parking lot haha.

Nakakamimiss din pala mag commute ibat ibang klaseng tao ang nakikita mo pero bigla kong naalala si Mark, Sya yung laging kasama ko pagsumasakay ng Jeep. Napapikit nalang ako at binalikan ang masasayang araw namin ni Mark dito sa Jeep.

................................FLASHBACK....................................

Naalala ko yung sinabi ko dati na imbes na bayad po ay Pabili po.

"Manong pabili po"

Gusto kong sampalin yung bibig ko dahil sa sinabi ko napatingin sakin yung ibang nakasakay sa Jeep at halatang nagpipigil ng tawa.  Ang lalim kasi ng iniisip ko kaya ayan ang nasabi ko, Kahit ako gusto kodin tumawa.

"Ay bayad po pala"

Nilingon ko si Mark nakahawak sya sa tyan nya at nagpipigil din ng tawa, Kinurot ko sya sa tagiliran dahil wala syang support sakin! How dare him!

"Aray ko Dex, ang sakit ng kurot mo" -Mark

"Para ka kasing Tanga tawa tawa kapa dyan"

"Eh kasi nakakatawa ka eh haha" -Mark

"Happy ka dyan? tssk"

Hindi ko sya pinansin, Nilingon ko naman yung mga pasahero sa Jeep nakangiti lang sila samin. Akala siguro nila may shooting ng isang teleserye sa Jeep haha.

At yung pangalawa ang hindi ko makakalimutan sa lahat ewan koba kung matutuwa ako oh mabubwiset.

Dahil sa agawan ng Jeep at dami ng pasahero wala kaming nagawa ni Mark kundi kalungin nya ako. Pero ang totoo talaga non ay ako ang naunang umupo tapos wala ng space kaya sasabit na sana sya kayang lang sabi ng driver bawal daw kasi may hulihan, Napatingin sakin si Mark at parang gustong sabihin na bababa nalang sya.

"Mark ikaw na umupo dito"

"Ha pano ka?" -Mark

"Edi kalungin mo ako"

Si Mark ang umupo at kumalong ako sa kanya dahil gusto ko kasi sabay kami.

"Dex ang bigat mo" -Mark

"Sige mangaasar kapa, Palit kaya tayo ako ang kakalong sayo"

Hindi na sya umangal haha, Nakaupo din naman ako ng maayos nang may bumaba sa Jeep.

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon