DEX'S POVSana nanaginip nalang ako, Sana hindi nalang nangyari yon dahil hindi ko alam kung paano haharap sa maraming estudyante na nakakita sa nangyari kagabi.
Pero yung taong inaasahan ko na poprotekta sakin ay wala, Ang sabi sakin ni Nathan poprotektahan at hindi nya ako hahayaang masaktan pero nasan sya? Bakit wala sya sa mga oras na kailangan ko sya?
Hindi din ako nakatulog ng maayos dahil nakita ko na kumalat ang picture namin ni Nathan sa Group ng School namin, Maraming masasakit na salita akong nabasa kaya nagdesisyon ako na mag deactivate nalang ng account.
Alam na kaya ni Nathan ang tungkol dito?
Ilang saglit pa ay may narinig akong kumatok kaya bumangon ako para buksan yung pintuan, At pagbukas ko ay nasa labas si Nathan. Hindi ko alam kung matutuwa ako o masasaktan ng makita ko sya, Pumasok sya sa kwarto ko at niyakap ako ng mahigpit."Dex sorry, Sorry dahil wala ako kagabi para ipagtanggol ka, Sorry kasi iniwan lang kita bigla" -Nathan
Wala akong nasagot sa sinabi ni Nathan, Alam na siguro nya yung nangyari sakin kagabi Napaiyak nalang ako dahil naalala kona naman yung nangyari sakin.
"Dex sorry wala ako don, Hindi ko naman akalain na may gagawin na ganon si Irish" -Nathan
"Bakit ba kasi nawala ka kagabi?"
"Aaminin ko Dex nagselos ako sa inyo kagabi ni Dan kaya ako umalis hindi ko kasi kayo kayang makita, Si Dan pwede kang makatabi eh ako? Hindi, At si Dan pwede kang maisayaw pero ako hindi dahil maraming masasabi ang mga tao kapag nakita nila tayong dalawa" -Nathan
Umalis si Nathan dahil sa nagseselos sya? Hindi ko naman intensyon yon eh ayaw kolang talaga humindi kay Dan kasi importante din sya sakin.
"Nathan wala na, Alam na ng lahat at sigurado ako malalaman din ni Tita to"
"Dex magtiwala ka, Hindi kita iiwan ako na ang magsasabi kay mommy ng tungkol dito" -Nathan
Sana nga lang ganon kadali ang lahat na kapag sinabi ni Nathan kay Tita Emman ay maiinimtindihan nya.
"Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa school pag pasok ko"
"Lagi mong tatandaan na Nasa tabi molang ako, At hindi na mangyayari yung nangyari kagabi dahil lagi na ako sa tabi mo" -Nathan
Kahit paano ay medyo gumaan yung pakiramdam ko pero sana nga maging maayos na ang lahat at matapos na agad ang issue nato.
Pagtingin ko sa salamin ay namamaga na yung mata ko kakaiyak, Hindi padin ako makapaniwala na magagawa sakin yon ni Irish dahil akala ko magkaibigan na kami.
Dahil nadin sa sinabi ni Nathan ay pumasok na ako kinabukasan alam kong hindi ako nag-iisa nandyan din si Dan at Jasmine para tulungan ako.
Pagpasok palang namin sa school ay nagbulungan na agad yung mga estudyante ng makita nila na magkasama kami ni Nathan.
"Don't mind them" -Nathan
Nagpatuloy lang kami sa paglakad ni Nathan at para akong unti unting namamatay dahil sa talim ng kanilang mga tingin samin.
Habang naglalakad kami ni Nathan ay may nakita kaming mga nakapaskil sa dingding na mga Pictures namin, Lumapit agad ako dito at isa-isa yong tinanggal. Sino kaya ang nagdikit nito dito? Nang matanggal ko lahat ang mga nakadikit ay lumapit ako kay Nathan habang may luha sa mga mata at niyakap sya nang mahigpit.
"At talagang pinanindigan mo ang paglalandi sa pinsan mo?"
Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Nathan at nakita ko si Irish nakataas ang kilay at kasama nya sila Bea At Venus.
"Irish mali ka ng iniisip"
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...