DEX'S POVPanibagong araw na naman ang dumating, Eto padin ako medyo nakaka move on na kahit paano, Medyo lang naman.
Kahit hindi na ako nakatira kala tita Emman ay sya padin ang daw ang magbabayad ng tuition fee ko although hindi naman ganon kalaki kasi nga Senior High at may Voucher kami."Dex gising na! Anong oras na!"
Isang sigaw palang ni mama kahit mahimbing pa ang tulog ko ay nagising ako nang wala sa oras grabe sya parang alarm clock na upgraded haha.
"Ma grabe ka naman, Ano pati kapit bahay gigisingin mo din?"
"Para magising kana, Alam ko kasing si 5 minutes ka eh. Bumangon kana dyan para makasabay kana sa papa mo na mag-almusal" -Mama
"Yes ma, Babangon na"
Bumangon na ako dahil gusto ko din makasabay si Papa sa almusal si Papa kasi kalmado lang si Mama naman masyadong wild.
"Good Morning pa"
"Good Morning den, Maupo kana para makakain kana habang mainit pa" -Papa
Habang kumakain kami ay pinagmasdan ko si papa. Sobrang hanga ako sa kanya dahil kahit Jeepney Driver lang sya ay napapakain nya kami ng maayos, Kung may pagkakataon ako na pumili ng bagong tatay? Hindi ko gagawin kasi kuntento na ako na sya ang tatay ko. Bukod sa masipag, Maalalahanin at mabait pa.
"Bakit Dex may dumi ba ako sa mukha?" -Papa
"Haha wala po pa, Tiningnan ko lang kung magka mukha tayo"
"Wala kang kamukha samin nang papa mo kasi napulot kalang namin sa basurahan haha" -Mama
Ayan na naman si Mama komontra na naman, Grabe talaga sya sakin Palibhasa pagnandito ako mas close kami ni papa haha.
"Ma!? Basurahan talaga? Pero okay lang sabi nga sa kasabihin may ginto sa basura. At ako yung ginto nayon"
"Kayo talagang dalawa nagtatalo na naman. Dex gusto mo ba na ihatid na kita sa school nyo?" -Papa
"Talaga pa?"
"Bakit ayaw moba?" -Papa
"Syempre gusto ko"
Ayyiieee ihahatid ako ni papa!!!! Sasakay ulit ako sa Jeep nya haha. Dati kasi sumama ako sa kanya para maging taga abot ng bayad at taga sukli haha. Pero ngayon nag improve ihahatid na nya ako!!! Howooooo.
Hinatid ako ni papa hanggang sa school gamit ang Jeep nya.
"Anak baon mo" -Papa
May inabot sakin si papa na 100 pero hindi ko tinanggap.
"Pa wag na po may pera pa naman po ako dito"
"Sigurado ka?" -papa
"Opo pa"
"Sige, Pano alis na ako" -Papa
"Okay pa ingat po"
Niyakap ko muna si Papa nang mahigpit bago sya umalis.
At biglang may huminto sakin na sasakyan pagbukas nang bintana, Si Irish lang pala.
"Iww hinatid nang Jeep" -Irish
Hindi ko nalang pinansin si Irish dahil wala naman akong mapapala kung papatulan ko sya. Sya din naman ang mapapagod sa mga ginagawa nya sakin. Atsaka ano namang kadiri kung hinatid ako nang Jeep?
Medyo humupa na ang isyu samin ni Nathan dahil may mga tumatabi na sakin at kumakausap, Akala ko talaga buong taon ang pagpipistahan ng mga chismosa't chismoso.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...