DEX'S POV
This is it! aamin na ako kay Mark mamaya para matapos nato. Pero paano?
Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng Jeep ay para akong tanga na nagpapractice kung ano ang sasabihin ko kay mark."Mark mahal kita"
Ang pangit parang masyado naman atang mabilis haha.
"Mark mahal kita, dati pa"
Ang pangit parin, Parang walang emosyon huhu ano bang dapat sabihin ko kay mark?
"Mark may sasabihin ako sayo, Mahal na kita dati pa. Hindi lang kaibigan ang turing ko sayo"
Ahhhh!!! kinakabahan parin ako, Andaming pumapasok sa isip ko na posibleng mangyari.
Nanghihina na ako sa sobrang kaba, pakiramdam ko tinatawag ako ng kalikasan.
Ganito pala kahirap umamin sa taong mahal mo? yung akala mo sasabihin mo lang sa kanya ng harapan tapos ayon tapos na. Pero hindi eh iba talaga yung feeling, Sakit sa brain.
~~~~~~~~~~~~
Pagpasok ko ay lutang na naman ako hindi dahil sa daming activities na pinapagawa samin kundi dahil sa gagawin kong pag-amin kay Mark.
"Uy be bakit tulala kana naman dyan?"
Tumingin ako kay Miles, Naisip ko bigla na baka matulungan nya ako sa problema ko tutal sya naman ang nag push sakin na umamin ako kay mark.
"Be tulungan mo ako, aamin na ako kay mark"
"Ayyiieeee!!!!!"
Tinakpan ko agad yung malaki nyang bunganga dahil baka may masabi pa sya na kung ano.
"ssshh wag ka nga maingay baka marinig ng iba nating classmates"
"Kasi kinikilig ako sayo, seryoso ka aamin kana talaga?"
"Oo nga, Mukha ba akong nagloloko? kaya tulungan mona ako"
"Ano ba kasing klaseng tulong ang kailangan mo?"
"Hindi ko kasi alam kung paano ako aamin sa kanya, kinakabahan ako hindi ko alam yung gagawin ko"
"Girl ang mapapayo kolang sayo, Just be yourself. Sundin mo lang kung ano ang sinasabi ng puso mo"
Simple lang yung mga sinabi nya pero tagos sa puso yung mga kahulugan, Ano ba talagang sinasabi nang puso? Hayyss bahala na nga si Batman. Basta aamin na ako kay mark mamaya.
"Salamat Miles, Ngayon alam kona ang gagawin ko"
"Kaya moyan Dex, ipagpe pray kita na sana maging successful yang pag-amin mo. Asan na pala si Mark? papasok bayon?"
"Oo papasok yon, malelate lang daw sya ng konti"
"Basta Dex, Lakasan mo yung loob mo isipin mo nalang na guguho na yung mundo at bago ka manlang mawala ay nasabi mo sa kanya na mahal mo sya"
Ang laki talagang tulong kapag mayroon kang kaibigan na maaasahan at sumusuporta sayo.
Wala man akong maraming kaibigan atlis nakatagpo ako ng dalawang totoong kaibigan sabi nga "Quality over Quantity" aanhin mo na man ang dami ng kaibigan kung sa oras ng kagipitan hindi mo maaasahan.
"Miles wag nalang kaya ako umain kay Mark?"
Yung ngiti nya ay napalitan ng simangot haha binibiro kolang naman sya.
"Subukan mong wag umamin, ako ang magsasabi sa kanya"
"Oo na aamin na ako, Niloloko kalang eh"
"Siguraduhin mo lang"
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...