CHAPTER 12 "DEAL"

3.7K 142 4
                                    

DEX'S POV

Maaga ako nagising dahil naging maganda ang tulog ko (10 am na talaga yon haha ayun na pinaka maaga para sakin), Salamat sa pagpunta ni Mark ay gumanda ang pakiramdam ko.

"Anak mukhang maganda ang gising natin ha?" -mama

"Syempre maganda ako" biro ko kay mama

"Gutom kaba Dex?" -mama

"Oo ma"

"Kumain kana dyan, Kung ano-ano na kasi ang sinasabi mo" -mama

Pumunta nalang ako sa kusina para mag-almusal, Si mama talaga kahit kailan hindi sinasakyan ang mga biro ko haha. Pero pag sya ang nagjojoke todo support ako sa kanya.

Pagkatapos kong kumain ay nag facebook muna ako, May Friend request sakin si Tyrone.

Iaaccept ko ba o hindi? Syempre inaccept ko haha. Tapos ilang segundo lang ay nag chat sya sakin ang sabi nya "Hi Dex! Salamat sa pag accept!" Hindi ko sya nireplyan inshort seenzone sya sakin haha tapos nag chat ulit sya.

"Ouch! Seenzone, Sakit naman"

Ano kayang problema nitong lalaki nato? wala ba syang kachat? boring ba ang buhay nya at kinukulit nya ako, Para matapos na nireplyan kona sya at naka CAPSLACK PA PARA DAMA HAHAHAH.

"BORING BA BUHAY MO?" tanong ko sa kanya.

"Hindi" reply nya agad.

"HINDI NAMAN PALA EH"

Pinatay kona yung Data para hindi na sya makapag chat sakin, Hindi naman sa ayaw ko sa kanya medyo hindi lang kasi maganda ang unang impresyon ko sa kanya at higit sa lahat malaki ang  kasalanan nya sakin! DAHIL NINAKAW NYA ANG FIRSTKISS KO! para dapat yun sa taong mahal ko eh (KAY MARK) huhuhu.


TYRONE'S POV

Nakakatawa talaga tong si Dex napaka mainitin ang ulo haha muntik pa ako ma seenzone.

"Tol bakit ka nakangiti dyan, Sino yang kachat mo"

Biglang inagaw ni David (Tropa ko) yung phone ko, At nakiusyoso nadin yung dalawa kopang tropa na sina Christian at Arvin.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin dahil napag usapan namin na maagang pumasok,  Mga kaklase din namin sila ni Dex.

"Akin na nga yang phone ko!" sigaw ko sa kanila

"Ayyiiee ka chat mo pala si Dex ha?" -David

"Ano naman!?"

"Haha bakla na pala ang mga gusto mo ngayon ha? pano na si Nicole (Girlfriend ko) nyan?" -Christian

"Tssk pwede ba tigilan nyo ako sa mga kalokohan nyo, Classmate lang natin si Dex yun lang yon pero si Nicole mahal koyon"

"Talaga ba?" -arvin

Nagtawanan pa silang tatlo at parang may sinend si David na kung ano kaya tumayo ako at inagawa sa kanila yung cellphone ko. Laking gulat ko ng nakita kong sinend nila yung picture ko kay Dex na naka topless at may nakasulat pang "Sayo lang ako".

Yung dugo ko biglang umapaw sa ulo ko, pasalamat sila mga tropa ko sila kung hindi baka kanina kopa sila binigwasan.

"Mga G*g* kayo! nag send pa talaga kayo! baka kung anong isipin non tsssk"

"Sorry na Tol, Dina mauulit" -Arvin

"Talagang hindi na, Dinyo na mahahawakan tong Cellphone ko"

"Pero maiba tayo bakit monga ka chat si Dex? Pano si Nicole break na kayo?" -David

"Wala nga lang yon! Mahal ko si Nicole may problema lang kami pero di kami magbebreak"

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon