DEX'S POV
Nakakapagtaka ngayon kasi hindi nagsusungit sakin si Nathan, Kasabay ko syang kumakain ngayon at pinagmamasdan kolang sya.
Ano kayang binabalak ng lalaki nato?
May masama na naman ba syang gagawin sakin?Nako kung ano man yan kailangan kong mag-ingat baka kasi ipalapa na nya ako sa ngayon o di kaya itulak nya ako sa hagdan.
"Ganon na ba ako ka gwapo para titigan mo?" -Nathan
Aba! ang kapal nya ah! kaya kolang naman sya tinitigan dahil gusto ko alerto ako kasi nakakapanibago ang katahimikan nya.
"Gwapong Gwapo ka talaga sa sarili mo noh?"
"Oo bakit Gwapo naman talaga ako, Sino bang mas gwapo samin nang Mark mo? ako o sya?" -Nathan
Natahimik ako bigla sa sinabi nya, Para akong binuhusan ng malamig na tubig tapod grabe yung kaba, OMG! narinig nya! nakakahiya!
"Ma-Mark?" kunwari nagmamaang maangan ako huhu
"Sus Kunwari kapa" -Nathan
Hala! Narinig nya nga!!!!!!!! anong gagagwin ko! baka asarin na naman ako nito, o di kaya siraan ako kay Tita, Bakit ba kasi ako nag ka pinsan ng Ganito eh pero sabagay hindi naman kami magkadugo pero kahit na! Anak parin sya ni Tito Greg huhu baka siraan nya ako.
"Narinig moba?"
"Oo Rinig na rinig ng dalawang tenga ko, May paiyak iyak kapa dyan. Bakit sino bayon? lalaki mo?" -Nathan
"Hoy anong lalaki ka dyan?! Kaibigan kolang yon!"
Medyo Napataas yung boses ko haha defensive lang.
"Siguraduhin mo lang, Dahil pinag-aaral ka nang pamilya ko kaya ayusin mo hindi inuuna mo ang kaharutan mo. Tapusin mona yung kinakain mo tapos aalis na tayo" -Nathan
Pagkatapos non ay tumayo na sya, Tinopak na naman haha. Grabe sya makapagsalita ng kaharutan hindi ba pwedeng umiibig lang! palibhasa kasi pusong bato sya Atsaka inaayos ko naman talaga yung pag-aaral ko hindi lang dahil pinag-aaral nila ako kundi dahil para sa sarili ko nadin at lalong lalo na sa pamilya ko.
Habang nakasakay kami pareho ay tahimik lang kami sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating sa school, Nauna syang bumaba pero sinundan kopa din sya.
"Bakit kaba sumusunod??" -Nathan
"Hoy hindi kita sinunsundan, Pareho lang tayo nang school diba? so pareho din tayo nang daan"
Tumigil sya at humarap sakin, Ayan na naman yung scary eye nya parang kakainin ako ng buo.
"Stop Following me, Understand???" -Nathan
Naglakad na sya palayo sakin, Gusto kolang naman kasi iclear sa kanya na hindi ko lalaki si Mark oo mahal ko pero hanggang dun lang yon, Baka kasi magkwento sya kala tita.
Pero dahil matigas ang ulo ko ay sinundan ko padin sya, Grabe ang lalaki ng hakbang nya sya naglalakad lang ako tumatakbo na ng dahan dahan baka kasi makita nya ako haha para tuloy akong spy.
Paglumilingon sya nagtatago ako haha, Pero nung nagtago ako tapos pagsilip ko nawala sya bigla. Lumabas ako sa pinagtataguan ko pero wala talaga sya, Hala san nagpunta yon? ang bilis naman nyang nawala.
"Diba sinabi ko sayong wag mona akong susundan?" -Nathan
Nagulat ako dahil may nagsalita sa likod, dahan dahan akong lumingon sa likod at ngumiti ng pilit.
"Ah eh ano kasi"
"Pwede ba diretsohin mona ako kung may sasabihin ka. Hindi yung sinudundan mopa ako" -Nathan
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...