Congratulations to you both. - congratulations sa inyong dalawa.
Sonya, I still can't believe it's you! - Sonya, naku naninibago talaga ako sa iyo ngayon!
Tony, you can't. - Tony, alam mong hindi pwede.
Then Jenny and I will take our vacation there in Manila. - kami na lang magbabakasyon ni Jenny diyan sa Manila.
We can leave next month. - pwede kaming umalis next month.
I'm cooking pork in vinegar sauce. - eh kasi nagluluto ako ng adobo.
Maybe you can taste it. - baka kako pwede mong tikman.
We'll get into trouble! - mapapahamak tayo!
You're the only one who can help me. - kayo lang ang makakatulong sa akin.
To see if I got the recipe right. - kung tama ang timpla ko.
Please come to the kitchen with me. - sumunod ka nga sa akin sa kusina.
So you can taste the pork in vinegar that I'm cooking. - nang matikman mo yun niluluto kong adobo ha.
I came back for you. - binalikan kita.
I waited for you for years! - ang tagal kitang hinintay!
How are you feeling! - kamusta na pakiramdam mo?
Are you better? - okay ka lang ba?
Why don't you lie down? - higa ka muna?
I'm not well yet. - masama pa kasi ang pakiramdam ko eh.
I thought you wouldn't make it. - akala ko hindi ka na darating.
If you only knew what I've been through. - kung alam mo lang kung anong pinagdadaanan ko.
Just so I could give you the money. - para mabigay sa iyo ang pera.
I'll build you a house. - ipagpapatayo kita ng bahay.
Those things don't matter to me anymore. - wala ng halaga sa akin ang mga iyan.
You're all I need. - ikaw lang ang kailangan ko.
You're all I dream about. - ikaw lamang ang pinapangarap.
You're my true happiness. - ikaw lang ang kaligayahan ko.
Must our feelings be hurt? - kailangan bang masaktan pa ang atin mga damdamin?
Why should you go back to the store? - bakit babalik ka pa sa tindahan?
Let's leave right now! - umalis na tayo!
Elizabeth, please try to understand. - Elizabeth, intindihin mo sana ko.
I can't leave without telling Flor. - hindi ako makakaalis dito ng hindi nagpapaalam kay Flor.
For what? - para ano pa?
Leave him! - iiwan mo na siya!
Even if I never learned to love Marilou. - kahit di ko nagawang mahalin si Marilou.
He's a good friend. - naging mabuting kaibigan siya.
That's why I want to give him the respect that he's due. - kaya gusto kong ibigay sa kanya ang respektong karapatdapat para sa kanya.
I'll say goodbye to him properly. - magpapaalam ako sa kanya ng maayos.
What if he won't let you leave? - pano kung pigilan ka niya?
He'll understand. - naintindihan niya ko.
He cares about my happiness. - kapakanan ko ang mahalaga para sa kanya.
And there's nothing I've asked for that he didn't give me. - saka wala naman akong hiningi sa kanya na hindi niya sa akin ibinigay.
BINABASA MO ANG
English Tagalog Phrases Part 1
Non-FictionDisclaimer: These are all compilations from many different Filipino films. Learn English Tagalog Phrases like a story.