English Tagalog Phrases like a story 83

15 1 0
                                    

Then why do we spend too much time with your mom? - eh bakit tayo palagi sa mom mo?

Indulge mom. - pagbigyan mo na si mom.

You left the house without informing mom. - hindi ka raw nagpaalam ng umalis ka.

He thinks his mom going to bawl him out. - akala mo sisitahin pa rin siya ng mom niya sa gagawin niya.

Has Benjie contacted Maila? - si Benjie natawagan na ba si Maila?

Amy's cell phone is always off. - eh laging patay yon cell phone.

You never bothered to inform us. - hindi ka man lang nagpaalam ha.

What if something happened to Julie? - kung may mangyari kay Julie?

I'll take care of Carol. - ako ng bahala sa kanya.

I don't know what's with you, Ben. - ewan ko ba kung bakit ka ganyan, Ben.

Hold it there. - sandali.

I should be home at seven. - dapat nasa bahay na ko ng alas siyete.

Are you still having problems with that? - bakit may problema ka ba diyan?

Tell him I'm off to somewhere. - sabihin mo na lang may pupuntahan pa ko.

You should've invited him in. - bakit hindi mo man lang siya pinatuloy.

The both of you are so loud! - ang ingay ingay ninyong dalawa!

She can even lift me up. - kaya niya nga akong buhatin.

She's really strong. - malakas naman siya.

It's gotten very long. - kay tagal na ng panahon.

I'll be right up. - aakyat na ko.

You have till tomorrow night. - hanggang bukas ng gabi.

I'm not through with you yet. - hindi pa ako tapos sa iyo.

She must have a problem. - baka may problema lang iyon.

I'll bring this. - ako na ang magdadala nito.

Are you sure we haven't forgotten anything? - sigurado ka ba wala na tayong naiwan?

I won't force you if you don't want to. - hindi kita pipilitin kung ayaw mo talaga.

Yet we can't live withhout each other. - pero hindi naman namin kayang mabuhay ng wala ang isa't isa.

We always argued because we were such opposites. - palagi kaming nag-aaway nun eh magkaiba kasi ang ugali namin.

But no one can foresee the future. - pero hindi mo naman masasabi ang panahon.

We thought we will never be blessed with a child. - akala namin eh hindi na talaga kami magka-kaanak.

That is why ever since we got married. - kaya nung mula ng ikasal kami.

We were so happy! - tuwang tuwa kami!

Sometimes we lose those we love the most. - minsan talaga mawawala ang mahal mo sa iyo.

Isn't that the money we'll use for our food. - di ba iyon yon panggastos natin para sa pagkain?

When we got drunk last night, remember, I put my wallet in my pocket? - nung nag-inuman tayo kagabi, di ba, nasa bulsa ko pa yon wallet ko?

This is what I thought would happen. - iyan na nga bang sinasabi ko eh.

I have to go. - iwanan ko muna kayo ha.

Just eat! - kain ng kain diyan!

You! Don't you feel the heat?! - kayo! hindi ba kayo naiinitan ha?!

It's really hot today! - napakainit talaga ng panahon!


English Tagalog Phrases Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon