English Tagalog Phrases like a story 159

29 1 0
                                    

That's why she's bossing you around. - kaya kinakaya kaya ka niya.

Make yourself do it. - kayanin mo.

Are you giving up now? - ngayon ka pa ba aatras?

No backing out. - wala ng atrasan ito.

Heat it up in the microwave. - microwave mo na lang ha.

I can't even call you often. - hindi nga ako makatawag sa iyo madalas.

Are you remembering to pray? - nagdadasal ka ba?

You just started. - kauumpisa mo pa lang.

We barely see each other. - hindi na nga tayo nagkikita.

It's only been a few weeks, and you're already tired. - ilan linggo ka pa lang, pagod ka na.

You shouldn't get affected because they're not your relatives. - bakit ka mag papaapekto hindi mo naman sila kaanu-ano.

Eddie picked her up from the airport already. - sinundo na po siya ni Eddie sa airport.

I might as well give you a coffee. - coffee na lang ho ang ibibigay ko sa inyo.

Why have I seen you just now? - bakit ngayon lang kita nakita dito?

I've seen you here just now, too. - ngayon lang din kita nakita dito.

I wasn't sane. - wala ako sa sarili ko.

I need to return something to you. - may kailangan akong ibalik sa iyo.

Are you making your revenge? - gumaganti  ka ba?

Is she the one whom you replaced me with? - iyon ba ang ipinalit mo sa akin?

On a hot and humid night. - isang mainit na gabi.

A group of beautiful women are gathered. - nagtipon tipon ang nag-gagandahan mga dalaga.

Tall and slim. - balingkinitan ang katawan.

This is where I learned. - dito ko nalaman.

She must be willing to endure the most intense of pains. - at kailangan mo palang tiisin ang matinding hirap.

It is one of the longest and most popular store. - isa sa pinakamatagal at pinakakilalang tindahan.

In an alley in Malabon. - sa isang iskinita sa Malabon.

Cackling of roosters. - tilaok ng manok.

The crisp shuffling of cards. - malutong na balasa ng baraha.

And the sound of coins dropping to the ground. - at tunog ng baryang bumabagsak sa lupa.

Is one of the loyal patrons of porridge. - isa sa mga suki ng lugaw.

A child sat next to Charlie. - isang bata ang tumabi kay Charlie.

At first glance. - sa unang tingin.

Can cause regret later on. - nakakapanghinayang kalaunan.

You've lost how much? - magkano lahat lahat natalo ninyo?

This goes on the entire day. - maghapon yon.


English Tagalog Phrases Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon