Aren't you. - ikaw si.
So you know how to speak? - marunong ka palang magsalita?
Did I tire you out, Robin? - napagod ka, Robin?
I see you've met my little cousin. - kilala mo pala yon pinsan ko.
He has always been mine. - matagal na siyang sakin.
Get up from there. - bumangon ka muna diyan.
You should change! - magpalit ka muna ng damit!
We have the same colored shirt, too! - terno pa tayo, o!
You want some snacks? - gusto ninyo mag meryenda?
Quick, I've got some food inside. - halika dali, may pagkain ako sa loob.
What do you call it again? - ano nga ang tawag dun?
Why so? - bakit naman?
I'm almost there. - malapit na.
I did everything that you should have been doing. - ginawa ko ang lahat na dapat ikaw ang gumawa.
I'm not doing this for myself, Nancy. - hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko, Nancy.
I think she's had her hair straightened. - nagpatuwid yata ng buhok.
She said Sally's sick. - may sakit daw si Sally.
She has to take care of her. - kailangan niyang alagaan.
But isn't she old enough? - eh di ba malaki na iyon?
Well. - sabagay.
It's hard being without a friend. - ang hirap walang kaibigan.
Why did you have to come back? - bakit ka bumalik dito?
Not everything can be solved by money. - hindi lahat ng bagay madadaan sa pera.
I would have struggled to raise our child. - kaya ko naman igapang anak natin.
I don't know why until now I'm still being a fool for you. - hindi ko alam bakit pa ako nagpapakatanga sa iyo eh.
And those pebbles are going to break our windows. - baka masira yon bintana namin kababato ninyo.
Have you spoken to Pete yet? - nakausap mo na ba si Pete?
We'll man the store. - kami muna ang tatao rito.
You do? - talaga po?
Why is there more food than usual tonight? - bakit kaya mas maraming mga lutuin ngayon gabi?
Step back! - umatras ka ng konti!
Every time I focus my energy. - sa tuwing iniisip ko ang akin lakas.
What's taking so long? - bakit ang tagal mo?
Are you surprised? - nagulat ka ba?
It's never for long. - panandalian lamang.
History tells us this. - sinasabi iyan ng atin kasaysayan.
It's a heavy burden for you. - malaking pasanin para sa iyo.
When we do have peace. - kung may katahimikan man.
Once you have taken the oath, it's for life. - oras na sumumpa ka, pang habangbuhay na.
Let me help. - tutulungan na kita.
Haven't you noticed? - hindi mo napansin?
Why didn't you tell me Bella is coming home? - bakit hindi mo sinabi sa akin na uuwi si Bella?
You might not have agreed to do this. - baka kasi hindi ka pumayag na gawin ito.
This is hard as it is. - hindi na nga madali itong ginagawa natin.
We call the shots. - tayo ang masusunod.
BINABASA MO ANG
English Tagalog Phrases Part 1
Non-FictionDisclaimer: These are all compilations from many different Filipino films. Learn English Tagalog Phrases like a story.