Prologue

268 26 3
                                    

Gusto kita. Gusto mo sya. Gusto nya ay iba. Bakit di na lang tayong dalawa?

Natanong mo na ba yan? Nangyare na ba sayo na yung taong gusto mo ay may gustong iba kaso di rin naman sya gusto ng gusto nya.

Bakit nga ba dun padin tayo nagpu pursue sa taong mahal naten kahit iba naman yung gusto nila samantalang may mga tao naman na kayang pahalagahan yung pagmamahal na ibibigay naten?

Siguro ganon nga talaga noh? Pag may mahal ka, kahit gano kasakit tatanggapin mo. Kahit di ikaw yung mahal nya, tatanggapin mo. Kase wala ka namang magagawa.

Pero pano pag biglang nagustuhan mo yung taong nagpahalaga sayo.. kaso nga lang... huli na ang lahat nang maramdaman mo toh?

Pano kung yung taong dating may gusto sayo nagustuhan mo din pero ngayon iba na yung kanyang gusto?

Pwede pa kayang manumbalik ang nararamdaman nya para sayo? Pwede pa kayang mahalin ka ulit nung taong nasaktan mo? Pwede pa kayang magkaron kayo ng happy ending? Pwede pa kaya? Pwede pa rin kaya?

-----------------------------------------------------------------


"Love is Patience"

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon