"Red mom's calling". She refused to answer pero kanina pa ito tawag ng tawag sa kanya kaya napilitan siya na sagutin ito.
"Hello good evening tita!" bati ni Georgia sa ina ng dating nobyo.
"Iha ba't ngayon mo lang sinagot, pumunta ka sa hospital ngayon na please! Si Red kasi.." pahikbi-hikbing sabi pa nito.
"A-anong nangyari kay Red tita. Saang hospital siya naconfine? Wait magbibihis lang ako at papunta na ako jan." tarantang sabi ni Georgia.
Sinabi sa kanya ang hospital at dali-daling nagbihis. "Lord please, sana po walang nangyaring masama kay Red." paulit-ulit at piping dasal niya habang nasa biyahe.
More than 5 years na ang relasyon nila ng binata. Nilayuan at iniwasan niya lang ito noong nakaraang buwan. Hindi nito tanggap ang hiwalayang naganap sa kanilang dalawa.
Wala siyang masabi dito na matinding rason kung bakit siya nakipaghiwalay. Hindi niya maaring sabihin dito kung ano ang tunay niyang dahilan.
"Mahal pa rin kita Red, hindi ko kakayanin 'pag malubha ang lagay mo" bulong niya sa hangin.
At the hospital..
Pumunta agad siya sa assistance desk para magtanong. "Saan ang room ni John Red Venus nurse" agarang tanong niya dito.
Bago pa man nakasagot ang nurse ay tinawag na siya ng Tita Ems niya.
"Georgia iha, andito ka na pala.. Halika at sasamahan kita papunta sa anak ko" sabi ni Tita Ems niya. Halatang mugto ang mata nito galing sa pag-iyak.
Ayaw man niyang mag-isip ng 'di maganda pero 'di niya maiwasan sa nakikita niyang bakas ng kalungkutan sa mga mata ng Ina ng binata.
"Tita anong nangyari kay Red.. B-bakit andito siya sa hospital" kinakaban niyang tanong.
"Iha nabaril siya kanina habang pauwi siya galing sa kompanya, tinambangan siya ng mga 'di pa nakikilalang tao. Nasa operating room pa siya simula kanina dahil napuruhan ang anak ko" mangiyak-ngiyak na k'wento ng ginang.
Napatakip nalang siya ng bibig. Hindi pa rin makapaniwala sa narinig.
"No please, wag si R-red. Please save him, nagmamakaawa ako sa 'yo" tahimik at lumuluhang dasal niya sa nasa itaas.
"Anong sabi ng mga doctor tita, bakit hanggang ngayon hindi pa rin sila lumalabas" luhaang tanong niya sa Ina nito.
"Hindi ko alam iha, hindi ko alam" sabi Ng Ginang habang hinihimas ang likod niya para kumalma siya.
"Tita Ems almost two hours na tayong naghihintay, kailangan kong makita si Red. Marami pa akong sasabihin sa kanya. Tita please pasukin na natin sila please" nagmamakaawang sabi ni Georgia. Hindi niya na kayang maghintay. Nababaliw na siya sa takot na nadarama niya sa mga oras na iyon.
"Iha kumalma ka, ginagawa ng doctor ang makakaya nila. Makakaligtas ang anak ko" pampalubag na loob na sabi niya sa dalaga pero deep inside hindi rin sigurado ang Ginang.
Hanggang sa lumabas na ang doctor. "Sino ang pamilya ng pas'yente?" wika ng doctor
"Ako ang ina ni Red at siya naman ang nobya nito" sabi agad ng Ginang
"Doc anong update sa kalagayan ni Red. Ok na ba siya, maililipat na ba siya sa room? Maaari ko na ba siyang makita?" sunod-sunod na tanong ni Georgia
"Iha hayaan mo munang makapagsalita ang doctor" pagpapatigil ng Ginang sa mga tanong pa ni Georgia.
Napatango nalang siya at naghihintay ng sasabihin nito.
"May limang tama ng bala ang anak niyo, dalawa sa balikat at dalawa sa tiyan. Successful naman itong natanggal pero ang isang bala ay malapit sa puso, kailangan operahan sa lalong madaling panahon." mahabang lintaya ng doctor.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner