Nakayuko kong inabot kay Papa ang card ko, ngayon pa lang kinakabahan na ako."Really? Ito lang ipapalit mo sa paghihirap namin sa trabaho, mapag-aral ka lang?"
"I'm sorry po.."
"Sorry? Kung sana nag-aral ka nang mabuti, hindi sana bagsak ang final average mo!"
Napatungo na lang ako sa sermon ni Papa. I deserved this..
"Alam mo ba? Kami noon marunong magsumikap! Papasok kaming walang baon, at punit punit ang bag samantalang ikaw kumpleto mula ulo hanggang paa! Uuwi kami na pasado ang marka, wala ka makikitang kahit isang palakol sa grado namin."
Napatingin ako kay Papa, disappointed ang mukha nito at galit na tumingin sa akin kaya muli akong napayuko.
"Saan ka ba nagmana? Ang mama mo din naman matalino? Bakit ba ako nagkaroon ng bobong anak!"
Siguro nga bobo ako..
"S-sorry po.."
"Get out of this room, Princess! Baka kung ano pa masabi ko sayong bata ka!"
"Opo."
Dahan dahan akong tumalikod sa kanya at lumabas sa kuwartong iyon.
"Oh Princess, anak, bakit ka umiiyka d'yan?"
"Mama.. sorry po.." iyak kong panimula.
"Bakit ka naman nagso-sorry anak?"
"I'm sorry if I failed you and Papa as a daughter. I'm sorry if I got low grades. I'm sorry if I can't make you proud. I'm sorry kasi hindi ako katulad niyo ni Papa. I'm sorry kasi bobo ako.. I-i'm sorry.." hindi ko na mapigilang umiyak sa sobrang disappointment ko sa sarili.
Agad akong hinapit ng yakap ni Mama.
"I'm sorry.. I'm sorry.. I'm sorry.." paulit-ulit kong bulong kay Mama.
Sana sa sorry ko maramdaman nilang alam ko ang pagkakamali ko.
"Ssshh. Stop crying anak.. Stop crying my Princess.. You don't have to be sorry.. Wala ka namang ginawang mali.."
"P-pero ma.. Kasi 'di ba po bagsak ako.. Hindi ko po masuklian ang pagod na nakukuha niyo sa trabaho. Hindi ko man lang nagawang pasayahin kayo.. Sana hindi na lang po ko anak niyo, sana iba na lang.."
"Pasado ka pa din anak.. Proud sa 'yo si Mama. Nag-aral ka naman 'di ba?"
"Opo.."
"Nakinig ka sa bawat turo ng guro 'di ba?"
"Opo.. kaso hindi ko po minsan maintindihan lahat.. ang hirap po kasi.."
"Ayon naman pala eh, hindi mo naman kailangan intindihin ang lahat. Ang mahalaga lang ay may matutunan ka.."
"Sorry ma kung bobo ako.."
"Anak! Saan ba galing ang salitang 'yan?"
"Kay Papa po.. Totoo naman po, mahina utak ko hindi katulad ng ibang bata.. Kung itatakwil niyo po ako bilang anak niyo, maiintindihan ko po.."
"Princess, nagkakamali ka.. Anak, walang taong bobo, may mga tao lang talagang nakalalamang sa atin pagdating sa mental na kapasidad. Ang Papa mo talaga humanda sa akin mamaya 'yan! At bakit mo naman naisip na itatakwil ka namin ha?"
"Hindi po ako katulad ng ibang bata eh, matatalino po sila at madaming nakuhang medalya,"
"Nako anak, hinding hindi ka namin ipagpapalit sa iba. Eh ano kung madami silang medalya, alam ko someday makakaya mo 'yan, magkakaroon ka din higit pa sa naabot nila."
"Talaga po?"
"Oo naman anak! Ikaw pa ba? Ang card mo ay hindi batayan ng future mo, basta marunong kang magsumikap at mag-aral ng mabuti, makakaya mong abutin gaano man kataas ang pangarap mo."
"Proud ka pa din sa akin, Mama?"
"Oo naman anak!"
"Bakit po?"
"Natatandaan mo pa ba ang magagandang ginawa mo bilang bata at bilang anak?"
"Ano po 'yon?"
"Anak, kahit sa simpleng bagay magiging proud na kami sa 'yo. Katulad ng tinulungan mong tumawid ang nakakatanda sa 'yo. Marunong ka din gumalang sa magulang mo at kahit sa ibang taong makakasalamuha mo na mas matanda sa 'yo. Masunurin kang anak maging sa inyong paaralan. Kahit sino magiging proud kasi anak ka nila, dahil may mabuti kang kalooban. Hindi lang sa talino anak, kailangan may taglay ka din na kabutihang asal."
With that word of wisdom ni Mama, napangiti ako.
As for the child, hindi mahalaga kung bagsak ka ngayon, maaari ka pang bumawi sa susunod na pagkakataon. Don't pressure yourself too much, kasi may kanya kanya tayong kapasidad, pisikal man o intellectual. Don't take any negative insults as your downfall, make it your rope to climb more and more!
As for the parents, don't compare your child to others. Isipin mabuti ang bawat binibitawang salita, dahil sa kabataan ngayon tumatatak na 'yan sa kanilang isipan. Be proud kung ano ang kayang ibigay ng anak mo, don't pressure them to much to achieve something they can't for now.
Sa buhay, hindi maiiwasang mabigo ka ng paulit-ulit. Mas maraming huhusga sa 'yo at iilan lang ang makakaintindi. Mas maraming masasakit na salita kaysa sa magagandang salita. Kailangan mo lang lumaban sa hamon ng buhay, at 'wag na 'wag papatalo sa bawat pagsubok na dumadating sa 'yo, gaano man katindi. Sabihin mo na lang na that's life, ano pa ba ang bago kundi problema. Just smile and keep fighting!
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner