(103) I Want You

18 0 0
                                    


"Mga bes, anong gusto mong kunin?" tanong ni Vyanne.

Bahagya akong napaisip sa tanong niya.

"I want to be an engineer someday..." nangangarap na sagot naman ni Shayne.

"Ako naman s'yempre gusto kong maging guro no'h" sagot ni Vyanne sa sarili niyang tanong, "Eh, ikaw Harold?"

"I'm not sure what I really wanted in the future..."

"Huh? Wala kang pangarap sa future mo?" takang tanong ni Shayne.

"Mayroon naman, I guess I just can't decide for now–"

"Why? It is easy to dream kaya," sabat ni Vyanne.

"Yes it is. But it's hard to achieve your every dream,"

"Precisely! Kaya nga tayo magsusumikap para sa pangarap natin. So anong kukunin mo, Harold?"

Curious silang nakatingin sa akin.

"I wanted to be a teacher, para maituro ko sa mahal kong mahalin din ako. I want to be an engineer and architect too, para magawa ko ang blueprint ng dream house natin as well as ako mismo ang mangangasiwa sa pagbuo nito. I want to be a doctor, malay mo magkasakit siya, eh 'di ako na mag-aalaga sa kanya. I want to be a  police, huhulihin ko lang naman ang magnanakaw sa kanya mula sa akin at siguraduhin kong lintik lang walang ganti. Gusto kong maging sundalo, sasaludo sa kanya at handang ipagtanggol siya sa anumang giyera... Gusto ko rin maging writer, para maisulat ko na ang forever na gusto ko... But what is I really wanted is to be–"

"Wait. Stop! Alam ko na patutunguhan nito eh!" putol na naman ni Vyanne.

"What?" takang tanong ni Shayne.

"Patapusin niyo muna kasi ako,"

"Pssssh!" nakasimangot na maktol ni Vyanne.

"All I want is you... Ikaw lang Shayne. I want to marry an engineer someday. All I want is to be a not so perfect husband to you... Nandiyan para alagaan ka at pagsilbihan..."

"Sabi na eh! Taga SANA all lang ang papel ko sa inyo! Tse! Walang poreber!" bitter na sagot ni Vyanne.

Agad itong lumayas sa tabi namin, allergic ata sa magiging mag-asawa in the future.

"So, Shayne can I court you?"

Napangiti ito, "Yes!"

And I think I'm the happiest man alived! But that was 5 years ago. Ba't kasi pinangarap ko pang maging writer, imbes na happy ending naging tragic tuloy storya namin.

I'm watching my girl walking in the aisle, marrying her future husband.

I'm just their priest, na saksi sa kanilang sumpaan.

I guess, a dream is always a dream.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon