Lagi ko siyang nakakasabay sa pag-aabang sa bus station. He's the guy for me–matagal ko na siyang crush.
Bakit ko siya crush? Syempre gwapo, matalino, mabait at may six pack abs–joke lang hindi ko pa nakikita, malas di ba? Katulad ngayon kasabay ko nanaman siya, kaso 'di niya ko pinapansin hays.
Dumating din ang s'werte ko, nakatabi ko siya sa upuan–kinikilig ako ng bongga.
Kaso may matandang nahuli at naubusan ng upuan.
"Manang kayo nalang po ang maupo, tatayo nalang po ako" sabi ni Khyzer.
Katabi ko na, nawala pa pero napakabait niya, gentleman pa–crush ko na talaga siya.
May sumakay pang isang babae na napakahapit ng damit at sinipulan ito ng lalaki–sa mata nito minamanyak na panigurado.
S'yempre to the rescue ang crush ko, "Dude 'wag kang bastos, pa'no kaya kung gawin din yan sa kapatid mong babae at sa nanay mo? Matutuwa ka ba?" inis na sabi ni Khyzer ko.
Khyzer ko–akin na siya ba't ba. Lalo ko siyang naging crush dahil may respeto siya sa kababaihan, bihira nalang sa mga lalaki yan, nasa kanya na lahat–pati puso ko nasa kanya na.
Same school kami but different section. Balita ko until now wala pa siyang girlfriend–syempre alam ko kasi cute stalker ata ako.
Until one day accidentally nag-kabungguan kami, hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan at siya naman nagmamadali din.
"Sorry miss" sabi ni Khyzer.
"Ok lang" nahihiyang sabi ko pa.
"Bawi ako sa'yo next time, pasens'ya na talaga may hinahabol kasi ako" kaagad na itong umalis na hindi man lang nahintay ang tugon ko.
"May next time pa?" napangiti kong sabi, "Ito na ba 'yon?–nagkabungguan lang, nagka-lovelife na" kinikilig ako sa naiisip ko.
Bumawi nga siya that time, nilebre niya ko at d'yan nagsimula ang aming pag-iibigan este pagkakaibigan.
Napalapit kami sa isat-isa, lalo tuloy lumakas ang tama ko sa kanya. Marami din akong na-discover about him–marunong pala siyang magluto, mag-gitara at sumayaw.Ideal type of guy– he's really my guy. Napaka-sweet at caring pa niya. Siya din yúng lalaki na marunong magtali ng buhok–katulad ng ginagawa niya sa 'kin ngayon. Mukha daw kasi akong bruha.
Mas marunong pa nga siyang mag-ayos kaysa sa akin, biruin mo mas magaling pang pumili ng lipstick na babagay daw sa 'kin.
"Bie! Bie! JAMBIE!" sigaw ni Khyzer sa akin.
"Maawa ka naman sa ears ko Khy, narinig kita kaya" naka-pout kong sabi.
"Kanina pa kita tinatawag kaya, masyado kang lutang d'yan. Anong iniisip mo ba?" tanong sa akin ni Khyzer.
"Nuh nevermind, tapos na ba? Hindi na ba ako mukhang bruha para sa 'yo? tanong ko dito.
"Yeah better than before, you're beautiful Jambie," nakangiti na sabi ni Khyzer.
Namula naman ako sa papuri niya minsan lang 'yan eh. Parang tipikal na boy best friend ko si Khy lalaitin ka niyan hanggat kaya niya–napakasweet niya 'di ba?
"Uhm Jambie kasi," putol nito na tila nag-aalinlangan sa sasabihin.
"Anong kasi? Dalian mo uuwi na ko" tanong ko dito.
"Hmmn bukas nalang, sabay tayo papasok ha, may sasabihin ako sa 'yo." sabi ni Khyzer.
"Sige sure ako din may sasabihin sa 'yo, "this is it aamin na ko sa nararamdaman ko, "excited na ko para bukas" nakangiti kong sinabi sa kanya at nagpaalam pauwi.
Kinabukasan..
Kanina pa 'ko naghihintay sa usual place namin–bus station.
"Nasaan na kaya yún, masyado ata'ng kinabahan magtapat," nangingiti kong kausap sa sarili.
And here comes my guy–my soon to be groom. Nakangiti ko siyang binati.
"Hi Khy, ba't ngayon ka lang?" tanong ko agad sa kanya.
"Maaga pa naman, 'di pa tayo late. Tanghali na din ako nagising" sagot agad ni Khyzer.
"Okay so anong sasabihin mo?" nakangiti kong tanong.
"Hays ok, kumalma ka muna ha. Exhale.. inhale Jambie." sabi pa nito.
"Ready na ko, 'wag ka nang magpaligoy-ligoy pa!" sobrang excited siya sa sasabihin nito–mahal na kita Jambie, naiisip niyang sasabihin nito.
"Ok I think kaya ko nang umamin sa 'yo" bitin na sabi nito.
"Na? Ano ba kasi 'yon? 'Wag kang pabitin d'yan!" excited na talaga siya.
"Baklaakojambie" bigkas ni Khyzer ng mabilis at mahina.
"Linawin mo hindi ko naintindihan" tanong niya ulit dahil 'di niya narinig.
"Bakla ako Jambie!" dahan-dahan nitong bigkas sa kanya.
"Eh ano naman mahal–" 'di na niya natuloy ang sasabihin dahil parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa kanya ang sinabi nito.
"Bakla ako Jambie"
"Bakla ako Jambie"
"Bakla ako Jambie"
"What! Seriously Khy?" nanlulumong tanong niya.
"Yes? Do you still accept me as your friend?" tanong ni Khyzer sa kanya.
Napatango nalang siya at naalala ang mga kakaibang napansin niya–mahilig maluto at magtali ng buhok.
"Wtf lang, bakit siya pa–he's not my guy co'z he's my gay shit!" realization na pumasok sa isipan niya.
"So anong sasabihin mo sa'kin?" tanong nito pabalik.
"Alam kong bakla ka, halata ko naman eh" pero ang gusto niya talagang sabihin ay "Mahal Kita, matagal na" busangot na sabi niya dito.
Natawa nalang ito at siya naman lihim na umiiyak sa kaloob-looban niya.
"He's a gay damn!"
______
Pfffft ayown lame, pero nagka-crush din ako tapos 'di ko alam na bakla pala siya hays.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
CasualeCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner