(102) Missing You

11 0 0
                                    


I still remembered the days na kasama pa kita...

Sa umaga, aalisin mo ang kumot ko  sabay yugyog para lang magising ako. Sabay tayong magjojogging, minsan pa nga tinatago mo pa tsinelas ko para  hindi ako makapaglaro sa labas.

Tuwing malungkot ako, ikaw laging kasama ko. Nakikinig ka sa walang katapusan kong reklamo at hinanaing sa mundo.

Naalala mo pa ba na you're also my hero? Gumawa ka ng paraan para mapukaw atensiyon ko, napigilan mo akong 'wag lumabas kasi may malaki pa lang ahas sa pinto.

Makailang beses mo na din akong hinila sa bingit ng kamatayan. Naalala ko pa noon muntikan akong masagasaan ng motor tapos parang itinaboy mo ako sa pagilid kaya tuloy nasagasaan ang buntot mo, tapos naputol pa nga 'di ba? That's why I decided to changed your name Blacky into putol na mukhang ayaw mo, kasi lagi mo akong tinatahulan.

Kahit ilang beses kang nilalayo dahil minsan inaatake ako ng asthma dahil sa balahibo mong naglalagas, ikaw pa din 'yong makulit na katok ng katok sa pinto ng k'warto ko.

Feeling ko alam mo nararamdaman ko kaya mananahimik ka na lang sa labas ng pinto at maghihintay na pagbuksan ulit kita. Tapos panibagong kakulitan na naman.

Alam mong hate ko ang mga nangunguna ng mangga ng walang paalam kaya nandiyan ka para tahulan sila. Minsan pa nga nagiging matapang ka, hahabulin mo pa ang mga pasaway kong kapitbahay.

Ang maganda lang sa 'yo, lagi kitang buntot. Instant bodyguard kumbaga, kapag naglalaro ako nasa gilid ka lang nakatingin sa akin, naghihintay kung kailan ba kita lalaruin.

"I miss you baby... I'm sorry if I have to leave you..."

Kaso kinailangan kitang iwan. Kailangan naming lumipat ng tirahan, at bawal ang aso do'n since lately naging matapang at nangangagat basta basta. So, iniwan kita sa kapitbahay ko na akala ko aalagaan ka nila.

Nakita ko kung paano mo hinabol ang sasakyan namin. Ewan ko ba, nakita ko ang lungkot sa mga mata mo, sa gitna ng mga luha ko. Hindi lang kasi basta alaga ang turing ko sa 'yo, para na kitang kaibigan, kapatid as well as anak-anakan. Hindi nila alam ang pakiramdam ko no'ng iniwan kita, may naiwan kasi akong napakahalagang parte sa akin.

A week before bago kita nabalikan, malaki ang pinagbago mo. Naging galisin ka at namayat, nawala ang dati mong sigla, msyadong mabagal ang paghinga mo sa normal. Lubos akong nagsisi no'n, pero no'ng nakita kong kinakampay mo ulit ang buntot mo, alam kong masaya ka at nagkaroon ka ulit ng pag-asang lumaban.

I decided na kukunin kita kinabukasan, ipapaalam ko lang ulit sa magulang ko. Pag-uwi ko sa bahay, nagpumilit ako na payagan kitang dalhin sa bago naming nilipatan. Hindi ako masyadong palahingi ng pabor kaya pinagbigyan nila ako, as long as itatali daw kita.

Kinabukasan, since day class ako biglang gusto ko agad mag-uwian kasi nga susunduin na kita. Maglalaro ulit tayo gaya ng dati. Hanggang sa nag-uwian na, naisipan kong maghanap at bumili muna ng panali para sa 'yo.

Hanggang sa nakarating ako sa dati naming tinutuluyan. Nagimbal ako sa ibinalita nila sa akin, ang aso ko pinulutan nila. Ang aso ko, kinakain na ng mga lasinggero.

Umiyak ako ng umiyak noon. Gusto ko silang sugurin sa galit, ngunit mas nalungkot ako sa ibinalita pa nila. Bago pala siya ginawang pulutan, nasagsaan muna siya. Siguro na-excite sa pagdating ko, pinilit daw nitong tumayo no'ng umaga para hintayin ako sa may kalsada. Hanggang sa may isang tricycle na nag-busina daw sa aso ko, hindi daw tumabi agad kaya nagdiretso ang driver tapos sinagasaan na lang daw siya. Nakabangon pa daw aso ko, tapos bumalik sa puwesto niya kung saan ko siya iniwan kahapon. Siguro hinihintay pa din ako hanggang sa huling hininga niya, at doon nakita siya ng mga lasinggero na duguan at nanghihina, kinatay na lang daw nila.

Lalong bumigat pakiramdam ko noon.  Bumalik nga ako, pero huli na... Wala na ang aso ko... Wala na si Blaky o Putol... Kahit magalit ako sa sumagasa at kumatay sa kanya, hindi pa rin nila mababalik ang buhay niya. Pasens'ya hindi ako naging mabuting amo at kaibigan sa 'yo...

"You're still become part of my life, I'll treasure those memories... Memories of us together... Kahit wala ka na, you're still my first favorite pet... You're still my best buddy..."

_________

Naiyak ako! Naalala ko pinakaunang aso ko. Na-trigger sa mga post na nakita ko while scrolling. Legit. Mas masakit pa 'yan sa break up. Guiltiness and pain nasa akin pa din hanggang ngayon kahit highschool days pa 'yan.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon