Dear Jolina,
N'ak pasesiya dahil ako ang naging tatay mo. Kahit anong kulit mo sa akin para makapunta sa school niyo hindi kita pinagbigyan. Kahit isang beses lang, hindi ako pumunta, on the first place mismong school mo nga 'di ko kilala. Pasens'ya kung sobrang busy ko, wala nang natirang oras na dapat ilaan sa 'yo. Alam mo bang disappointed din ako sa sarili ko, anong klaseng ama ba naman ako?
Hanggad ko lang magtrabaho at kumita para sa kinabukasan mo, lingid sa kaalaman ko lumalayo na pala loob mo. Pagpasensiyahan mo na si tatay kung hindi ko na alam ang mga paborito at gusto mo ngayon. Hindi ko alam na may allergy ka pala sa ibinigay ko, ganun na ba ako kapabayang ama para sa 'yo?
Pasens'ya na kung hindi ako lantaran magbigay ng malalambing na salita na ikakagaan ng loob mo, pero anak mahal kita sana 'wag ka naman magduda dito. Pasens'ya kung hindi ako kagaya ng tatay ng iba. Pasens'ya kung hindi ko naipadama ang pagmamahal ko sa mga bonding na inaasahan mong sana andyan ako sa tabi mo.
Pasens'ya anak, babawi si tatay pag-uwi ko. Treat Kita kahit Father's day mismo. Maraming salamat dumating ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita, minsan ko lang sabihin ang mga kataga ngunit sa puso ko 'yan nagmula.
Letter na nabasa ko bago maaksidente si papa,
"Happy Father's Day Pa! Kung nasaan ka man, hindi mo na kailangan humingi ng despensa. Wala kang pagkakamali, ako lang po ang makitid ang utak at hindi makaintindi. I love you too Papa, bonding natin ngayon ha, pasens'ya na kung minsan lang ako makadalaw. Naiintindihan ko na kung gaano kahirap magtrabaho. Kahit sobrang busy mo, hindi pa rin magbabago na ako'y mahal ko. I'm proud of you papa. You're the best tatay! I missed you.." sinabi ko habang nakaupo dito sa sementeryo.
"Sobrang miss na kita papa.."
–––
Happy father's Day sa lahat ng tumatayong ama sa inyo.
P.s. kahapon ko pa sana Ito ipopost😑
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner