Kulang Na Kulang Ba?
"Yam baka gabihin ako at late ako makakauwi ha,"
"Bakit yam?"
"Dadaan pa sa tropa ko, bday kasi niya,"
"Eh yam–" naputol na ang tawag nito.
"Hays, naghanda pa naman ako ng dinner para sa monthsary natin, masasayang lang pala.."
Monthsary nilang dalawa, tila kinalimutan nito.
"Yam agang paninigarilyo yan, almusal ka muna.."
"Busog pa ko!"
"Pero yam–"
"I said busog pa ko!"
"Ok yam.."
Unti-unting nagbago si Seth, nararamdaman ko mismo pero binaliwala ko baka napraraning lang ako.
"Yam date naman tayo,"
"Busy pa ko!"
Nakita ko naman na panay dutdot lang siya sa cp niya, "Busy saan?"
"Other day na lang, may tournament kami; championship namin ngayon,"
"Pero matagal na tayong 'di nakakapagbonding"
"Next time ok?"
Napatango na lang ako. "Mas mahalaga ba yúng laro na 'yon kaysa sa bonding namin Hays!"
One day nakita ko siyang may kasamang iba. Hindi ko siya kinompronta baka kasi katrabaho lang niya.
"Yam saan ka galing kanina?"
"Trabaho lang,"
"Sinong kasama mo?"
"Wala.. Teka bakit ka ba puro tanong ha!"
"Wala yam.."
Until dumating yung araw na nakipaghiwalay siya sakin.
"Let's end this relationship.."
"What yam? Wait hindi kita maintindihan.."
"Yun nga hindi na tayo magkaintindihan!"
"Please yam, wag naman! Pag-usapan natin 'to oh!"
"Wala na tayong dapat pag-usapan, break na tayo Zykeah!"
"Bakit Seth.. may iba ka na ba? May iba na bang laman ang puso mo?"
"Oo.."
Nagimbal pa rin ako sa sagot niya kahit alam ko na ang totoo. Heto ako ngayon sa bar, naglalasing mag-isa. Hindi ko na alam kung nakailang bote na ako para mawala lahat ng sakit.
"Ano bang ginawa kong mali? Sinuportahan ko naman lahat ang gusto niya pero bakit pa niya nakuhang ipagpalit? Hindi pa ba sapat ang lahat? Kulang na kulang pa ba ako sa kanya?" kausap ko sa 'di ko kilalang katabi ko.
"Siguro mali ka lang ng binigyan ng oras mo at pagmamahal" Sagot naman nito bago ako tuluyang lunudin sa kalasingan.
"Siguro nga tama ka.."
–––
Wag magmahal ng sobra, wag din masyadong kunsintidor sa jowa. Minsan kailangan mong maghigpit para 'di sila madawit. Well problema na din yan ng mga taong 'di makuntento. Eeenk
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
РазноеCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner