(40) Not Your Werewolf Story

26 3 0
                                    

Maraming 'di ko kilalang kalalakihan ang pumasok sa aming bahay. Agad nila akong hinawakan na kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay 'di ako makawala sa kanila.

"Ano bang kailangan niyo, pakawalan niyo ko!"
"Manahimik ka babae kung ayaw niyong mapasama!"

"Damn! Bitiwan niyo sabi ako!"

Akmang sasampalin sana ako nang lalaki ngunit may isang malakas na alulong ang umalingawngaw sa paligid. Agad din nandilim ang paningin ko, dahil siguro sa pagod kakapalag sa kanila. Ang huling nasilayan ko nalang ay magandang asul na mata, nakakalunod pagmasdan kaya tuluyan na akong nawalan ng ulirat.
--

"I alpha Luke Villem of Deadliest Cute Pack rejected you April Joy De Guzman as my mate!" agad itong lumakad papalayo sa kanya.

Napanaginipan ko na naman siya kasabay ng pakiràmdam na parang may hinugot sa aking kaibuturan–I feel like missing something important to me. Pagkatapos ng mga nangyari no'ng nakaraan lagi na lang parang may kulang, feeling ko inalisan ako ng karapatan.

"Hey nakatulala ka na naman jan!" bungad ni Aeron.

"Malamang iniisip niya na naman si Luke the alpha duh!" sabat naman ni
Mochi.

"Hays feeling ko talaga, kilala ko siya–matagal na."

"Kalimutan mo na siya April.." seryosong tugon ni Aeron, "He rejected you sa panaginip mo, you have to accept it or else.."

"Or else what?" curious na tanong ni April.

"Masyado ka lang masasaktan, kung iisipin mo pa siya.."

"Geez your both weird! Let's have some coffee hmmn, join ba kayo ha?" sabat na naman ni Mochi.

"Fine!/Sure!"

At the coffee shop....

"Hey nakapagdecide ka na bang I-accept na kalimutan na siya? Mas maaga mas better April.."

"Bakit ba, pa'no kung ayaw ko?"

"Masasaktan ka lang, dahil sa panaginip lang siya–sa isip mo na kailanman 'di magkakatotoo.."

"He's real Aeron.. I know that he's real.. I can feel it.."

"Damn April, hindi siya totoo kaya please forget all about him."

"I can't!"

"Please!"

"Hays, fine.. anong kailangan kong gawin?"

"Just repeat what I say, I insert your name, accepted your rejection Alpha Luke as your mate. Now your turn!"

"Kailangan ba talagang sabihin ko yan?"

"Just say so April, masyado na kayong nagiging weird!" singit ni Mochi.

"I April Joy De Guzman, accepted your rejection Alpha Luke as your.. mate!" Agad siyang napasigaw, nakaramdam siya na sakit na parang tinatanggal ang kalahati sa kaluluwa niya. Nakarinig din sila ng isang malakas na alulong ng aso sa labas.

"Your creepy, bat bigla ka na lang sumigaw ha!" sita ni mochi.

"I'm sorry, nakaramdam ako ng sakit na 'di ko maintindihan," agad na bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata, "I didn't even know, why I'm crying like this!"

"Sssshhh everything is alright!" bulong ni Aeron dito. "I think we need to go home?"

"Yeah baka mahawa ako sa kawierduhan niyo, mauna na ko ha, bye guiys!" paalam na ni Mochi.

Habang naglalakad sila pauwi, may nasilayan siyang magandang asul na mata sa kakahuyan. Ngunit tila nababalot ito ng kalungkutan at panghihinayang.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon