(94) Smiling While Dying Inside

32 0 0
                                    

Nand'yan siya palagi sa tabi namin lalo na sa oras ng problema–hindi ka niya iiwan hanggat hindi ka okay.

"Nagbreak na kami! Huhu."

"It's ok Francene, marami pang worth it sa pagmamahal mo, 'wag ka nang umiyak.."

"Hindi ko maiwasan Leilanie, sobrang sakit eh. Akala ko siya na ang para sa akin, pero hindi pala. Manloloko siya! Pinagpalit niya ako sa mukhang palakang kulugo na 'yon!"

"He's not worth your tears. Hindi niya nakita ang tunay mong ganda at pagmamahal mo sa kanya. Nagkamali siya ng niloko at pinaiyak ka niya. Time will heal you at kapag dumating 'yon, tatawanan mo na lang ang kagagahan mo ngayon.."

"Pero.."

"No buts. Smile freny! Gusto mo ba ng ice cream? Fries? Burger? Libre ko, basta 'wag ka lang umiyak.."

"Talaga? Hindi ako tatanggi freny, pagkain na nakasalalay eh!"

"Panyo oh," sabay abot nito ng nakangiti.

"Para saan?"

"Nagkalat make-up mo, mukhang ginahasa ka d'yan ng sampung truck!" sabay tawa mo pa.

Lahat ng mga payo niya ay nakatatak pa rin sa akin. Mamimiss ko ang pagpapaalala mo sa mga kagagahan ko. Kahit alam niyang hindi ako makikinig sa kanya, pagsasabihan niya pa rin ako. Hindi pa siya makukuntento sa payo, and'yan siya para pasayahin ka. Gusto niyang nakangiti ka kahit may problema ka. 

Sa tawa niya, madadala ka na din. Little did I know, she's laughing but crying inside too. She's smiling while dying inside.. Marami pala siyang problema, pero kahit isa hindi niya sinabi sa akin. Siya ang palaging sandalan ko, pero no'ng siya'y nangangailangan ng masasandalan, wala ako.. I never try asking her, if she's really ok. I never did. I'm not a good bestfriend for her. Kung sana maaga kong nalaman, wala sana siya sa puting kahon na ito. Hindi sana siya nakapikit na parang natutulog lang. I didn't know.. I failed for being her bestfriend.

"I hate you for making me cry like this. Akala ko ba ayaw mo akong magmukhang ginahasa, pero bakit mo ko biglang iniwan! Masaya pa tayo 'di ba? Nilibre mo pa ako! Huling alaala na pala natin ang araw na 'yon. Madaya ka, dahil hindi ka nagsabi. I'm sorry, sana nagtanong din ako. I'm sorry for being dependent to you. I'm sorry kung hindi ko nakita na nahihirapan ka na din. I love you bestfriend. Wherever you are, I hope you'll find your true happiness too.."

Natapos ko na ang eulogy na isinulat ko. Mahaba pa sana kaso hindi ko na kaya pang magsalita. Narinig ko din ang iyakan ng lahat, hindi lang ako ang naloko niya sa mga ngiti niya, lahat kami.. lahat kami walang alam sa dahilan ng pagbibigti niya.

Kaya kayo, hindi porket laging nakangiti ang isang tao masaya na siya. Hindi porket sandalan mo siya sa lahat ng problema mo, matatag na siya. She's hiding behind her mask, she's stong yet weak inside also. Paramdam mo din na mahal mo siya, at handa ka din maging sandalan niya sa oras ng mga problema niya.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon