(14) Larong Taguan

129 5 0
                                    


PART 2

Palihim ko silang sinusubaybayan sa bawat kilos at galaw nila. Ako ang dahilan kung bakit dito kami napadpad, nakaplano ang lahat–nasusunod ayon sa gusto ko.

Nagsimula na ang laro, ako nga ang naging taya. Nagsimula na akong kumanta.

Tagu-taguan maliwanag ang buwan,
Wala sa likod, wala sa harap
Pagkabilang ko ng sampu nakatago–papatayin ko na kayo.

Isa–Isa-isa ko'ng sinipat ang kanilang pinagtataguan.

"Nakikita ko kayong lahat mga kaibigan ko, galingan niyo ang pagtago dahil mamalasin kayo pag-nakita ko kayo" mahinhing sabi ko.

Dalawa–Dalawa kong mahal ang nagtaksil sa akin kaya ako'y napaluha

"Earl bakit sa kakambal ko pang si Van? Bakit sa kanya ka pa nakipagtalik, hindi mo na ba ako mahal?"

Tatlo–tatlong taong pagsasama ngunit binalewala dahil sa masamang udyok ng kaibigan ika'y naniwala.

"Kc, Anne, Daisy–Mamatay kayo gaya ng pagwasak niyo sa puso ko. Naniwala ka sa sinasabi ng tatlong ito na kampi lagi sa kambal ko, kaya 'di mo na ko Mahal?"

Apat–Nakita niyong hawak ko ang patalim kaya kayo'y nagulat, 'di na nakasigaw sapagkat ulo niyo'y tumalsik sa aking tapat.

"Nararapat lang sa inyong mamatay. Ako na ang inapi, hindi niyo na pinakinggan ang dahilan ng aking paghikbi sa gabi–tuluyang tinalikuran niyong lahat."

Lima–limang ulo na ang nakasabit sa puno, duguan na rin ang aking sandatang dala.

"Limang ngalan ng tao ang paulit-ulit kong sinigaw, nasa'n kayo no'ng paulit-ulit na pinagsasawaan ang aking katawan. Hindi kayo naniwala sa pagkat ako'y inakusahan na siya'y nilandi ko lang.

Anim–nakita ko ang lalaking gumahasa sa akin, kaya lalong napahigpit ang hawak sa patalim.

"Parang awa mo na zhymar, 'wag mong ituloy ang balak mo sa akin–baliktad na ata tayo ngayon, naririnig mo ba ang pagmamakaawa mo nakaluhod ka pa at natatakot na sa akin"

Pito–Teka teka ako'y nalilito kung sino ba ang uunahin sa inyo.

"Uunahin ko ba ang lalaki na siya'ng may sala o ang mga lalaking nag-walang bahala at nakakita–saksi sa aking tuluyang pagkagahasa,"

Walo–Tss sinayang niyo ang tiwala ko. Sinayang niyo ako, na isang kaibigan niyo.

"Akala ko ba kaibigan ko kayo? Bakit niyo ako ginanito? Katotohanan ay pinagtakpan niyo ng isang huwad na kasinungalingan–gawa-gawang k'wento.

Siyam– Boses niyo'y di ko na pinakinggan para saan pa–para ba kayo'y kaawaan, 'di niyo deserve ang aking kapatawaran.

"Drix, Amil, Jeron–nakita niyong ginawa niya 'yon. Saksi kayo ngunit bakit tila nanahimik kayo sa isang tabi, paano naman akong api?"

Sampu–akala ko tunay kayong kaibigan ko, mga huwad pala kayo

"Joy, Kc–Ni minsan ba tinuring niyo nga akong kaibigan o libangan?"

Ngunit pa'no niyo pa ko sasagutin kung hiwalay na ang inyong ulo sa katawan niyo? Hindi pa ako makukuntento sa pagpatay lang sa inyo. Maglaro tayo ng taguan diba gusto niyo 'to? Hahatiin ko ang inyong mga katawan, tatanggalin ang mga laman at ipapakalat ko saan man sulok ng kagubatan.

Ako si Van– unang pinatay ko nga pala ang totoong Van. Ako ang kanyang kakambal, Venice ang aking ngalan. Naaalala niyo pa ba ang babaeng inihulog niyo lang sa tagong parte nitong kagubatan? Ngayon tapos na ang ating laro, kung saan walang tunay na nanalo. Ikakatuwa ko nang mamatay dahil nakuha ko na ang hustisiyang minimithi ko.

Matapos niyang ikalat ang mga parte ng katawan at laman ng mga kaibigan niya–sinaksak niya naman ang sarili niya

"Paalam mga kaibigan, sama-sama tayo hanggang sa kamatayan" ngiting sabi ni Venice hanggang kapusin na siya ng hininga.

______

Maraming salamat sa pagbabasa. Maaring walang tumama sa inyong mga hula 😂

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon