(19) FRI(END)SHIP

37 4 0
                                        

"Apat na magkakaibigan
Hinding-hindi mapapantayan
Matatag na samahan
Isat-isa'y iingatan
Isat-isa'y sandigan
Sa oras man ng kagipitan
Lahat tayo 'y nagkakaintindihan
Kaya tayo'y nagsumpaan
Walang iwanan, walang kalimutan dahil isat-isa ating kayamanan"

Muli nami'ng binigkas ang mga kataga namin na binitawan sa kanya. Baka mag-bago pa ang desisyon niya at maibalik pa ang dating saya.

"Naaalala mo pa ba wyx ang mga binitawan natin na mga salita?" 'di mapigilang salita agad ni Pinky.

Napaismid naman si Lara sabay bara sa kaibigan nito, "Malamang hindi na, kaya nga kinalimutan nalang tayo ng basta-basta,"

"Manahimik muna kayong dalawa baka magsimula na naman bangayan niyo" sita ni Daniela, "Wyx bakit ka biglang lumayo sa amin? Diba magkaka-ibigan tayo, kabarkada, kapatid, hindi na nga tayo mapag-hiwalay noon eh, bakit ka biglang nagkaganito?" dagdag niya pa.

Walang emosyon at tahimik lang na nakatingin si Wyx sa kanila.

"Alam mo napipikon na ako sa 'yo," inis na sabat ni Lara, "Bakit niyo pa kasi hinahabol ang isang ito, wala na siyang pakialam sa samahan natin tapos! Tanggapin niyo nalang kasi na 'di niya na tayo kaibigan" galit na dugtong pa niya sabay alis sa tagpuan nila.

"Lara bumalik ka dito!" pasigaw na sabi ni Pinky.

"Dito ka nalang Pinky, 'wag mo nang tangkaing habulin pa si Lara baka sa 'yo pa maibunton ang galit no'n," away ni Daniela dito.

"Bakit nga ba bigla ka'ng nagbago Wyx?" naiiyak na sabi ni Pinky, "Masaya naman tayo'ng magbabarkada di ba? Bakit kailangang may magbago? Bakit bigla mo nalang tinalikuran ang mga kaibigan na magmamahal sa 'yo? sunod-sunod na tanong niya kasabay ng pagpatak ng masaganang luha.

Niyakap naman ni Daniela si Pinky, samantalang dahan-dahang tumalikod sa kanila si Wyx.

"Wala na ba kayong ibang sasabihin? Sige mauna na ako," tanong ni Wyx bago humakbang.

"Sandali.." pigil ni Daniela dito, "Hayaan mong tapusin ko ang ating tula ng pagkakaibigan."

"Sumpaang walang babali
Para 'di mapawi ang mga ngiti
Pagsapjt ng dilim, sama-sama tayong uuwi
Dahil sa panibagong bukas–sa tagpuan mag-kikita muli

Apat na magkakaibigan
Habang buhay–pangmatagalan
Walang babali sa ating ugnayan
Hanggang kamatayan pa man."

Parang kahapon lang ang mga nangyari.Walang iniwan na mga salita si Wyx sa kanyang paglisan. Iniwan niya lang kami na luhaan. Iniwan niya kami na naguguluhan. Hanggang ngayon umaasa pa rin kami sa aming sumpaan–umaasa na kami'y babalikan.

"Kung nasaan ka man, handa ka pa rin namin na tanggapin anuman ang naging dahilan ng iyong pag-iwan" bulong ni Daniela sa kawalan

"Akala ko walang iwanan–never,
Akala ko friends tayo forever,
Pero bakit napunta sa over,
Hanggang ngayon di pa rin ako makaget-over" ani ni Lara sa isip.

"Wyx bumalik ka para sa pagkakaibigan natin, sa samahan natin. Di ba nga, magkakapatid tayo sa puso , konektado tayo kahit 'di magkakadugo," huling bulong ni Pinky.

"So tara na guiys, uwi na tayo mag-gagabi na" biglang tayo na sabi ni Daniela.

"Yeah/okay," sabay na Sabi ng dalawa.

Pauwi na kami galing sa tagpuan natin. Bukas ikaw muli'y aabangan kahit abuti man kami ng magpakailanman, gan'yan ang tunay na magkakaibigan.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon