(85) He's Staring At Me

15 1 0
                                    

Habang naglalakad ako pauwi galing sa galaan, hindi ko ineexpect na makasalubong ko siya. Kapwa kami nagkatinginan, titig na titig sa isa't isa. Tila kanina niya pa ako inaabangan, at kanina pa naghihintay sa aking pagdating. Agad na naghumerantado ng mabilis ang aking puso, sa sobrang bilis ay maririnig na ng iba. Agad akong napahawak sa aking puso, siya lang pala ang muling magbibigay buhay dito. Naisipan ko'ng umiwas, hindi maari. Kumaliwa ako, siya'y kumaliwa din na tila hinaharangan ang aking daan. Ako'y tila nainis sa ginawa nitong hakbang, kaya hindi ko naiwasang siya'y sigawan. Tuluyan na akong nagalit ng siya'y hindi nakinig at bigla akong tinalunan. Mwiset na palaka 'to! Feeling prince charming kung makasalubong 'kala mo pupupugin ko sa halik. Sarap mo sigurong ipa-adobo sa mga lasinggero sa kanto o kaya ipa-disect sa mga science project! Pashneang palaka! Tigil tigilan mo ako sa kalandian mo!

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon