WARNING: DONT READ"I'm curious pre, anong feeling ng nakikipag-sex?" tanong bigla ni Aenoh sa akin.
"Seriously pre? Virgin ka pa?"
"S'yempre! Asawa ko lang makakatikim ng aking sandata."
"Kawawa junior mo n'yan. Ayaw mo ba na maexperience ang heaven?"
"Ayaw ko pa pre! Mag-aasawa pa ako, gusto mo na agad akong patayin?"
"Wengya ka pre! Hindi naman kamatayan mo tinutukoy ko, 'yong tinatawag ba na sarap sa t'wing ika'y may kaniig."
"Ah.. kasing sarap ba ng mga putahe ni Aling Cora 'yan? Nakakagutom pala pre!"
"O sige pre, bobohan pa natin. Ganito na lang, k'wento ko experience ko tapos, paganahin mo imagination mo."
"Kuha muna ako krimstick pre."
"Mamaya ka na kumain, makinig ka muna."
"Kailangan ko pre, sige na!"
"Oo na! Bilisan mo!"
Bumili nga ito ng isang dosenang krimstick.
"Sige na pre! K'wento ka na, may krimstick na ako para lumawak ang aking imahinasyon."
Napamura na lang ako sa inis. Strike na 'to sa akin.
"Oh sige! Namumuro ka na pre! Simulan mo na, isipin mo si Junior, biglang tumayo pagkakita mo ng isang masikip na kuweba. Agad mo itong nilapitan, sinunggaban, itinutok mo ang atensiyon mo dito at tuluyang pinasok ang bukana. Sa una'y masikip, makipot, ngunit hindi ka nagpapigil at gigil kang sumulong. Lumabas at pumasok hanggang marating mo ang dulo at biglang naglabasan ang mga–"
"Ahh! Ugh! Pre.. Ayoko na.."
"Oh anong pakiramdam? Bakit ka napasigaw? Tuloy na natin hanggang dulo."
"Kakaibang kaba naramdamn ko. Hindi p'wede.. 'wag mong ituloy.."
"So na-imagine mo nga?"
"Oo pre, galing mo magk'wento!"
"Talaga ba pre?"
"Oo pre, hindi ko na nga kinaya. Napasigaw na ako."
"Naramdaman mo ba? Tell me, anong pakiramdam pre?"
"Natakot ako kay Junior pre! Imagine mag-isa lang siyang pumasok sa kuweba tapos malayo ang narating niya kahit masikip at makipot ang mga daan. Hindi ko lang kinaya kapag biglang lumabas ang mga ahas sa kuweba, paano pala kung nakalimutan niya ang daan palabas? Oh 'di ba, katakot?"
Napatuptop na lang ako ng noo sa palpak na imagination nito.
"Pre, payakap nga!"
"Ayaw ko pre! Hindi ako napatol sa kapwa ko lalaki. Hindi mo sinabi bakla ka pala, 'wag naman sana tayong maging bromance. Hanggang pagiging kaibigan lang maibibigay ko sa 'yo. Sorry pre."
Pinagkamalan pa akong bakla! Sa pogi kong 'to? Bakla lang?
"Payakap hanggang masakal kita! P'wede ba? Gigil mo 'ko eh! Mas maganda pa magk'wento sa mga inosente kaysa sa katulad mong slow!"
"Hindi naman ako slow pre, fast runner nga ako 'di ba?"
Pashneang slow!
Bigla naman tumikhim ang kanilang nanay. Dahan dahan siyang lumingon dito.
"Ma? Kanina ka pa d'yan?" kinakabahang tanong ko.
"Oo, Regine! Tamang tama lang para marinig ko ang lahat! At ikaw alianah, 'wag ka magtanong ng hindi sakop ng kaisipan mo."
"Oh see! Narinig din ni Mama adventure ni Junior." singit ng slow kong kapatid.
"It's Gino ma."
"P'wede ba? 'Wag mag-feeling may talong ha Regine? Madami ka pang hugasin, inuna mo pang dumihan ang utak ng kapatid mo, puro ka kabastusan!"
"I'm just open minded mag-isip ma!"
"Iba ang open minded kaysa sa matured na kahalayan lang ang nasa isip! Hala sige, hugasan is waving at you!"
"Pasabi ma, nakalite lang ako. Wala pang wave back dito eh, color reacts pa lang upgraded kay fb." singit ng kapatid kong slow.
"Tantanan niyo ako, mga wala kayong talong!"
"May tanim tayo sa bakuran ma!"
Makapaghugas na nga lang! Pashnea!
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner