(97) Meralco Encounter

20 1 0
                                    

Maaga akong gumising para magbayad ng kuryente. Nagmamadali ako kasi baka maputulan kami sa kadahilanang may disconnection noticed na pala to the point na hindi na ako naligo. Oo, nagbihis lang ako ng damit, nagsumbrero para 'di halatang hindi ako nagsuklay ng maayos. Naglakad ako sa shortcut hanggang sa makarating ako sa court na may naglalarong iilang basketball players, lahat sila nakatingin sa akin habang dumadaan ako sa gitna–don't me, hindi ako marunong gumilid. Nagtataka ako kung bakit sila huminto, nakatingin lang sila sa akin–nahalata kaya nilang hindi ako naligo? Nevermind. So sumakay na ako ng tricycle at jeep hanggang sa makarating ako sa meralco branch. Hanggang 'yong guwardiya tiningnan ako mula paa hanggang mukha–yes, naalibadbaran tuloy ako.Dapat pala hindi ako nagshort eh–it's wrong idea mga best, feeling ko minamanyak nila ako pffft. I'm into jeans po kasi, kung hindi lang ako nagmamadali siguro naayos ko pa suot ko. Pumasok na lang ako, siguro may sampung nakapila bago ako.I find it weird, kapag tumitingin sila sa akin na parang may ibig sabihin. Hanggang sa may kamalabit sa likod ko, "Miss!" tawag pansin nito sa akin. Agad akong napalingon sa kanya, "Yes?" reply ko with my oh so gorgeous smile, guwapo best at naamoy kong mabango. Agang gumana kalandian cells ko–stop me guard, magagahasa ko 'to dito. Titig na titig siya sa akin sabay kamot sa batok–ewan ko ba nakyutan ako bigla sa kanya. "Hmmn... may sasabihin ka ba?" tanong ko naman agad, parang nahihiya kasi siyang magsalita. "Actually, yes?" alanganing sagot niya. Kinilig ako mga bes! Ka-forever ko na ba 'to? Emegesh! Magkakajowa na ba ako? Pffft. Kalandian, kalma hindi ka pa handang manganak ng isang dosena. Naghintay ako ng sasabihin niya, kaso bigla siyang ngumuso. Kiss na ba agad? Oh My lips! Makakatikim ka ng isang matamis na halik. Finally huminto siya sa kakanguso at itinuro ang paa ko, "Miss, magkaiba tsinelas mo," hanggang sa napatingin ako sa paa ko. Then I'm doomed! Hiyang hiya ako bes! Jusmiyo! Dala dala ko hanggang makauwi ako sa bahay! When katangahan strikes!

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon