Sobrang bored pala kapag kanina ka pa naglalakad sa mall, tamang patingin tingin lang sa mga stall, kunwari bibili pero hindi pala. Nakaisip ako ng kakaibang idea, what if hanapin ko ang future jowa ko dito sa mall? Hmmn kaya ngayon naghuhunting ang mata ko ng gwapong dadaan o kahit swak sa akin ang porma.
WARNING! WARNING!
Landiin alert..
Landiin alert..
Landiin alert..
Attention to self, your lalandiin is spotted!Tumunog ang aking sariling kalandian radar. May isang guy na nakatalikod, matangkad, nakasuot ng sumbrero, naka-leather jacket at nakapamulsa–syete otso gangster na jowa mas ayos 'to sakin.
Sinunggaban ko ang chance, ginawa ang tinatawag kong "Landi Teknik ala ninja moves!".
Niyakap ko siya habang nakatalikod, 'di ko mapigilang amuyin siya, "hmmn, mabango.. pero parang pamilyar ang scent na ito?" Pero binaliwala ko ang nasa isip ko, "Ang mahalaga magkajowa na ako!""Hi handsome, 'wag kang magkakamaling kumilos, kundi patay ka sa 'kin deretso tayo sa kama!" Malanding bulong ko pa.
Kyaaaaaah! Mukhang nakita ko na jowa ko!
Mukhang nagustuhan nito ang yakap ko dahil 'di man lang ito umangal, kaya ginawa ko hinaplos ko ang dibdib pababa sa abs, "Hmmn mukhang may pandesal ka jowa!"
"Kapag naging akin ka, araw-araw kong titikman ang pandesal mo! Bubuo tayo ng isang dosenang anak sa hirap man o ginhawa. I'm Zharizze Eun, can you be my jowa now?"
Dahan dahan nitong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin. Hinihintay ko ang pagharap nito, dahil mukhang pinag-iisipan pa nito ang offer ko, nanatili itong nakahawak sa baba niya.
Hanggang sa unti-unti itong humarap, nagulat ako dahil kilalang kilala ko ang taong ito.
Galit itong nagsalita, "Akala ko kaya ka yumakap sa akin kasi nabuking mo akong sinusundan ka! Sira ulo kang bata ka, jowang jowa na ba na kahit papa mo hindi mo nakilala at bibiktimahin mo ng kalandian mo! Sige uwi, grounded ka!"
MWISET NA KALANDIAN RADAR FAILED! IM DOOMED!
———
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
AcakCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner