(45.1)Moon Angel

17 2 0
                                    

What if you meet your guardian angel-someone who watching and protecting you secretly.

"Ayoko nang mabuhay, gustong gusto ko nang mamatay!" sigaw ng isang babaeng nasa roof top ng isang building.

"Bakit ba ako laging iniiwan-walang nag-stay kahit isa man sa mga taong mahalaga sa akin!"

"Bakit ba hindi niyo ako magawang pahalagahan at mahalin, bakit mas pinili niyo na palagi akong saktan!"

"Wala nang silbi ang buhay ko.. mag-isa na lang ako.."

"Bakit ba umasa akong mananatili kayo sa tabi ko, isa lang naman akong walang k'wentang to.."

"Para matapos na ang sakit na nararamdaman ko, mas pipiliin ko na lang mamatay.. wala na akong dahilan para mabuhay pa.."

"Buwan ang saksi sa aking pighati at kamatayan.."

Inihanda niya na ang sarili sa pagtalon, umakyat siya sa makipot na railings ng gusali.

"Kapag namatay siguro ako, makikita niyo ang halaga ko at sasamahan niyo ako sa huling nalalabing araw ko sa mundo.."

Tatalon na sana siya ngunit..

"Miss wag!" sigaw ng isang baritonong boses.

Napalingon siya bigla dito, "Sino ka para pigilan ako!"
maluha luhang tanong niya.

"Ako ang guardian angel mo!" nakangiti nitong sagot habang unti-unting nalapit ito.

"Wag kang lalapit! Tatalon talaga ako!"
Nakalapit na ito ng bahagya sa kanya,

"Wag kang lumapit pa!"

Ngumiti lang ito at umakyat sa railings ng building, "Sige kapag tumalon ka, tatalon din ako!"

"Ano bang paki' mo kung tatalon ako! Gusto ko nang mamatay!"

"Masamang hangarin ang sariling kamatayan lalo't hindi mo pa oras, 'wag mo'ng sayangin ang iyong buhay.." sinabi nito habang nakatingin sa buwan.

"Wala na akong dahilan para mabuhay pa. Lahat sila iniwan ako, lahat sila tinalikuran ako.."

"Hindi lahat tumalikod sa 'yo, tumingin ka sa itaas nand'yan pa rin siya sa tabi mo.."

"Maging Siya ay 'di madinig ang dasal ko, bakit niya ako pinapahirapan? Bakit lahat na lang ng mahalin ko iniiwan na lang ako ng biglaan?"

"May magandang dahilan kung bakit ka niya sinusubukan, maghintay ka lang mahahanap mo ang tamang kasagutan. Halika ka na sabay na tayong bumaba," sabi nito sabay lahad ng mga kamay.

Tumingin siya sa ibaba, masyadong mataas ang tatalunan niya siguradong lasog lasog ang katawan niya kung tatalon siya. Tumingin naman siya sa lalaking nakalahad ang kamay-mala-anghel ang mga ngiti nito na parang nagagayuma siya.

"Pero wala na akong ganang mabuhay pa-wala na akong dahilan pa.."

"Then make me your reason to live. Sabay tayong bumaba o sabay tayong mahuhulog, sige ka konsensiya mo pa na dinamay mo sa kamatayan ang gwapong ako.."

"Hindi ko naman sinabing tumalon ka din ah!"

"Hindi mo nga sinabi, ngunit gagawin ko kapag tumalon ka! Hindi pa ako handang ibuka ang pakpak ko para iligtas ka.."

"Anong ibuka ang pakpak?"

"I mean wala akong ibubukang pakpak," kamot ulong sabi nito.

Bumaba na nga ang lalaki, inilahad muli nito ang kamay sa dalaga.

"Make me your reason to live.."

Napatingin siya sa lalaking makulit, aabutin niya sana ang kamay ng lalaki ngunit bahagya siyang nadulas,

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon