(6)It's Too Late

84 4 0
                                    

"Nasaan na ba yung babaeng yun. Tsk!" inip na sabi ni Drew

"Hey andito na ko" hingal na sabi ni Ariane dito

"You're late as always, ano nga pala sasabihin mo? May sasabihin din kasi ako " masungit na sabi ni Drew

"Aahm pag ba sinabi ko mananatili ka sa tabi ko?" tanong pa ni Ariane dito

"It Depends.." maikling tugon ni Drew

"Aaayt 'wag na pala baka iwan mo Lang ako" malungkot na sabi ni Ariane

"No just tell me, hindi kita iiwan, syempre ikaw ang nag-iisang bespar ko" nakangiting sabi ni Drew

"Talaga promise mo yan huh?" paninigurado ni Ariane

"No I won't.." biglang sabi ni Drew

"Bakit ayaw mo bespar drew, bakit ayaw mong mangako?" biglang lungkot na balik ni Ariane

"I won't promise. I just swear, a pinky swear! Happy?" nangangakong saad ni Drew

"Ok sige, aaaahmm.. ano .. ano kasi..." nais sabihin ni Ariane ngunit napakahirap bigkasin

"What, tss straight to the point Ariane!" 'di makapag-intay na sabi ni Drew

Kinakabahang magtapat si Ariane. Hindi niya alam magiging rekasyon at kahihinatnan nito

"Drew.." panimula ni Ariane

"What, tsk bilisan mo ako din may sasabihin. Napakabagal mo talaga sa lahat ng bagay" naiinis na sagot ni Drew dito

"Napaka short-tempered mo tlga" buntong-hingang saad ni Ariane

"Tss what, sasabihin mo o aalis na ko" pananakot bigla ni Drew at tumalikod habang dahan-dahan na humakbang palayo.

"DREW I LIKE YOU!" sigaw ni Ariane bigla

Samantalang si Drew ay napahinto at speechles sa narinig.

"Drew sabi ko gusto kita" ulit na sabi pa ni Ariane

Humarap si drew at di pa rin makapaniwala sa narinig mula dito. "Ariane listen ok? I love you as my best par, my annoying friend and you're just like a little sister to me , I'm sorry pero hanggang dun nalang yun." pag-amin ni Drew

"But drew" sabi niya lang. She felt rejected that time na parang gusto na niyang maiyak.

"Ariane may mahal na akong iba. Si yesha ang mahal ko. Tss, nasabi ko tuloy agad. Sorry kung hindi ko masusuklian ang pagkagusto mo sa akin." pagsasabi niya ng totoo sa dalaga

"So it means.. si Yesha pala yung tinutukoy mo sa bawat k'wento mo." Kumpirma ni Ariane dito.

(Akala ko ako, nag-assume lang pala ako." sabi niya sa sarili niya.

"Pasensya Drew kalimutan mo nalang sinabi ko" pekeng ngiting sabi niya dito

"Are you sure? Im sorry if I can't like you back." hinging paumanhin ni Drew sa kaibigan

"No it's fine Drew. Crush lang kita bespar, 'wag lalaki ulo mo sa narinig mo. Susuportahan kita kay Yesha, gusto mo tulungan pa kita eeh" itinago niya ang sakit sa pamamagitan ng pekeng ngiti.

"You will?" alanganing tanong ni Drew

"Yup, ikaw pa ba! Nakapagtapat ka na ba s kanya?" tanong ni Ariane dito.

"Kahit sobrang sakit tutulungan kita sa kanya. Hindi lang kita gusto, mahal na ata kita Drew but, I'm too late dahil may laman na ang puso mo" gusto niyang sabihin dito ngunit hindi na maaari. Para saan pa? Eh wala na siyang pag-asa.

"That's my problem, hindi ko alam kung p'ano" pakamot na sabi ni Drew.

"Psh! Napakatorpe mo naman" inis na sabi ni Ariane

"Tss! Tutulungan mo ba ako o hindi" inis na sabi rin ni Drew. Bakit ba kasi napakatorpe niya.

"Oo na" pahayag ni Ariane

"Tss! Deal yan ha bespar" ngiting sabi ni Drew

Tumango nalang si Ariane dito. Gumawa sila ng plano at naging tulay nga si Ariane para magkatuluyan ang dalawa.

"Congrats sa inyo" ngiting bati niya sa dalawa.

"Kahit na masakit na makita kayong masaya. Tatanggapin ko nalang na mahal mo ay iba at hindi-hindi magiging ako.

"Thank you ariane, salamat sa suporta, the best bespar ka talaga" ngiting sabi ni Drew

"I'm too late kaya pinapalaya na kita kahit ni minsan ay hindi naman naging tayo" nasa isip ni Ariane habang nakatingin sa dalawa na masayang naglalambingan.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon