What if magising ka sa mundo na puno ng hiwaga; mapadpad ka sa lugar na puno ng mahika at isa ka pang prinsesa, anong gagawin mo?
"Nasaan ako?" Inilibot ko ang paningin sa isang magarbong silid na kinaroroonan ko, "Anong lugar ba ito?" muling tanong ko sa sarili ko.
Naglakad lakad ako sa paligid, pawang ginto ang kagamitan. Ang mga nakaukit sa pader ay nakamamangha, gothic style siguro ang ginamit dito.
"Bakit ba ako napadpad sa lugar na ito? Ang alam ko lang nagising na lang ako ngayon sa isang malapalasyong silid na ito, ngunit wala akong ni isang alaala.."
Patuloy ang pagkausap ko sa aking sarili, 'di ko namalayan ang pagpasok ng isang nilalang..
"Totoo nga ang aking hinala, gising na nga ang natutulog na prinsesa.." sabi ng isang baritonong boses.
Nakatalikod man ako sa kanya, ramdam ko ang malakas na awrang bumabalot dito. Hanggang sa unti-unti akong humarap dito.
"Who are you?" tanong ko.
Saglit ko siyang pinagmasdan, isang mala-adonis ang aking nasilayan, mga asul na mata na nakakalunod tingnan, matangkad, may maputing kutis at napakakisig na tindig. Isang lalaking bibihagni sa bawat dalagang makakakita sa kanya.
"Anong minutawi mo? Ginamitan mo na ba ako ng mahika dahil mukhang tinatamaan ako sa alindog mo'ng dala.."
Natawa ako sa sinabi nito, "Tinanong ko lang kung sino ka, 'wag kang mag-alala hindi ko naisip na gamitan ka ng mahika dahil wala ako no'n, ganda lang" may halong pagmamayabang na sabi ko.
Napatawa naman ito, "Nakamamangha ang iyong pagpapanggap prinsesa, hindi ako naniniwalang wala kang taglay na mahika, nakapalibot sa 'yo ang nagliliwanag mong awra.."
Nababaliw na ba ito? Pa'no siya magkakaroon ng magic, ordinaryong tao lang siya.
"Ngunit nagsasabi ako ng katotohanan, at isa pa hindi ako ang prinsesa" mukhang hindi ito makaintindi ng English, masabi pang kinulam ko siya.
"Tss, hanngang sa muli aking prinsesa, kinagagalak kong makilala ka,"
Tumingin ito sa pinto kaya napatingin na din ako. Biglang bumukas ito kasabay ng paglaho ng lalaking yo'n.
"Teka namalikmata ba ako–naglaho siya bigla na parang bula?"
"Mahal na prinsesa.. anak ko!"
Napatingin ako sa magandang babae sa harapan ko, may bahid na luha ang mata nito sa saya, nagulat na lang ako ng biglaan niya akong yakapin.
"Anak.." tawag ng isang gwapong lalaking bigla din akong niyakap.
"Sino po kayo, nasaan ba ako?" tanong ko pagkabitaw nila sa pagyakap sa akin.
Nagkatinginan ang mag-asawang Hari at Reyna.
"Mahal kong prinsesa, hindi mo ba talaga kami naaalala? Kaytagal namin hinintay na imulat mong muli ang iyong mga mata. Ako ang iyong inang Reyna Alicia anak.." tugon nito na mangiyak-ngiyak.
"Ako ang ama mong Haring Claus, nagagalak kami na ikaw ay masigla na prinsesa.."
"Paumanhin Haring Claus at Reyna Alicia ngunit hindi ako ang mahal na prinsesa, nagkakamali ata kayo ng inakala."
"Hindi kami nagkakamali anak, taglay mo ang liwanag na sagisag at kapangyarihan,"
Napatingin ako sa Mahal na Reyna.
"Kapangyarihan–wala akong taglay nito, ordinaryong mamamayan lang ako sa pilipinas,"
"Pilipinas?" takang tanong ng Hari, "Ngunit tayo ay nasa El Fantacia, anong lugar ang tinutukoy mo anak?
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
De TodoCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner