(18)Disabled Love

30 4 0
                                    

*Decoded*

"hello!" bati ng isang sulpot na estranghero.

"Hi sa 'yo," nakangiting bati niya dito.

"Kaygandang siguro ng boses mo, maaari ba na sumenyas ka?" sabi pa nito.

"Maaari naman" nagtatakang senyas niya.

"Ako nga pala si Zion, anong pangalan mo? ngiting sabi niya habang pinagmamasdan ang dalaga.

"M–Mary Mae, ang ngalan ko,"

"Kinagagalak kitang makilala,"

"Salamat Zion, gano'n din ako,"

"Ngunit bakit told hilam sa luha ang iyong mga mata?" pansin ni Zion dito.

Napangiti siya dahil napapansin nito ang tinatago n'yang maliit na detalye sa kanya.

"Napansin mo pala?" malungkot nitong saad, "hindi ko na ata mararanasan ang mahalin pa," napatingin ito sa malayo.

"Paano mo naman nasabi?" tanong nito sa kanya.

Napangiti siya ng mapait, "Malabo ko na sigurong makita ang taong taong nakalaan sa'kin,"

"Makakakita ka pa,"

"Ngunit paano–bulag ako," naisatinig niya.

"Ako'y kagaya mo–binge at pipe,"

Nagulat siya sa nalaman, "ako'y isang bulag kaya nasabi ko ang mga katagang iyon, hindi na 'ko aasang may magkakamali pa sa akin"

"Hindi pa huli ang lahat–andito ako nagmamahal sa yo,"

Napatingin siya dito nang wala sa oras kahit 'di niya ito maaninag.

Napangiti si Zion, "Oo matagal na kitang pinagmamasadan sa malayo,"

"Nguni't ako'y may kapansanan, hindi mo ba nakikita?" sabi ni Mary na may pag-aalangan.

"Hindi hadlang ang kapansanan sa pagmamahalan."

Napangiti nalang siya sa sinabi nito.

"Maaari bang ligawan kita?"

Napatango nalang siya sa sinabi nito.

_____

Salamat sa pagbabasa. Kung may mali man sa unang pinadecode ko, pakitama nalang ako salamat. Nawa'y mawala na ang sakit ng ulo na idinulot ko sa inyo. Hahahaha

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon