Kanina pa ako kinakabahan, bukod sa wala akong review lalong wala akong stock knowledge, anong isasagot ko sa summative? Eh si crush lang naman laman ng isip ko?"Charlove, pakopya naman mamaya,"
"Bahala ka d'yan Mharia! Galingan mo na lang sa panghuhula."
"Damot eh, sagot lang naman." nakabusangot kong saad.
Hanggang sa nakaisip ako ng magandang teknik.
"Operation tumabi sa may crush sa akin! Ahuh! Galing mo talaga self!"
"Pssst, Mark! Pakopya naman mamaya sa summative!" sabay pa-cute ko pa dito.
"Sure," sagot niya agad.
Problem solved. Iba talaga 'pag maganda, used your beauty, wisely!
Dumating na 'yong time, summative na namin. Agad kong kinindatan si Mark.
"Huy, 'wag mo masiyadong takpan papel mo ha!"
"Oo na,"
Nakakopya ako ng matiwasay at hindi man lang nahuli ng guro namin. Hanggang sa nag-check na at tinawag na ang name namin para ibigay ang scores.
"Charlove?"
"45 out of 50 ma'am!"
"Mark?"
"50 out of 50 ma'am!"
Napatingin ako kay Mark na ngiting ngiti, perfect din ako for sure! Galing yata ng mga sponsor ng sagot ko, mainggit ka ngayon sa akin Charlove!
"Mharia?"
"3 out of 50 ma'am!" nakangising sagot ni Charlove.
Like wtf! Literal na bumagsak ang ngiti ko sa lupa. Gulat na gulat ako sa nakuha kong scores! Bakit ako bumagsak? Tama naman ang kinopya ko ah, dinouble check ko pa!
Agad akong tumingin kay Mark, "Anong nangyari? Bakit ako bumagsak?" takang tanong ko sa kanya.
"Hindi ka kasi marunong mag-crushback! Pasalamat ka pa nga binigyan pa kita ng tatlong tamang sagot, mahal pa din kita crush!"
Do'n ko na-realize, nahu
Agad kong kinuha ang papel ko kay Charlove, "Tatlo lang talaga ang tama, number one, four at three,"
"Tsk! Ayan kasi puro landi na lang Mharia. 'Wag kasi kay crush laging nakatingin, usong tumingin sa notes. 'Wag kasing pagpapansin kay crush isipin mo, tamang isasagot muna sa exam. At lastly, 'wag masyadong pa-fall, bumagsak ka tuloy!"
Naiyak na lang ako sa nangyari! Uncrush kayong lahat sa akin, mag-aaral muna ako! Huhu
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner