Mahal ko ang girlfriend ko, higit pa sa sarili ko. Handa kong gawin anumang bagay basta't magiging masaya siya.
"Ella, mahal na mahal kita!"
"Mahal din kita, Dave."
"Ang sweet naman ng girlfriend ko!"
"Mas sweet ang boyfriend ko!"
"Isang hug at kiss naman d'yan girlfriend!"
"Sure boyfriend, saluhin mo ang flying hug and kiss ko ha!"
"Na-recieved ko na girlfriend! Sobrang sarap sa pakiramdam,"
"Sige na Dave, bye muna! May class pa kami,"
"Take care Ella, papakasalan pa kita! I love you!"
She logged out. Yes, long distance relationship kami. Mahirap pero kinakaya, gan'yan ang tunay na nagmamahalan.
"Ella, malapit na one year anniversary natin,"
"Oo nga eh, Dave."
"I have a surprise for you,"
"I guess it is a dinner video chat? Watching movie through chat? What is other surprises you can think in our long distance relationship Dave?"
Napatahimik ako. Oo nga pala, all this monthsary we have through video calls and chats lang ang celebration namin.
"You will surely love this, Ella."
"Sige Dave, may class pa ako,"
"Okay Ella, I love you..."
She just logged out again without her I love you's.
"Baka busy lang siya at tambak school works, Dave. Give her time and think about new surprised for your first monthsary," convinced ko sa sarili ko.
Next week na ang anniversary namin, and I have a brilliant idea na. What if, we celebrate it together? Yes. That's what i'm going to do.
Nagpabook agad ako ng flight to Davao para ando'n na ako kinabukasan. Dala ko ang camera ko, to capture our great memory together. I'm so excited to see her again.
Maganda na sigurong hindi siya nag-online magdamag, at hindi ko siya nakausap kundi nabuking pa ako sa sorpresa ko. Konting oras na lang magkikita na kami.
"Welcome to Davao!" ang bumungad sa akin.
This is it. Siguradong magugulat si girlfriend sa surprised kong ito. Agad akong dumiretso sa school niya, paniguradong may classes pa siya ngayon.
Matiyaga akong naghintay hanggang sa mag-uwian sila. Inilabas ko ang aking camera para makunan ang reaksyon niya.
"I can't wait, Ella. Siguradong epic ang mukha mo sa gulat."
Naglabasan na ang mga estudyante, naisipan kong magtago muna sa isang gilid.
Hanggang sa nakita ko siya, agad akong napangiti. Tatawagin ko na sana siya nang...
"Ella!" tawag ng isang lalaking yumakap sa kanya.
Biglang gumalaw ang kamay ko at nakuhaan sila ng litrato.
"Na-miss kita Darwin!"
Ba't ako pa ata ang na-surprise?
"Me too, babe! Another date?"
"Sure babe!"
Hanggang sa magholding hands sila patungo sa pupuntahan nila. Ewan ko ba kung bakit patuloy ko silang sinusundan at patuloy na kinukunan ng mga stolen shots.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner