(15) Wala Kang Kwenta

63 4 0
                                    

Ang hirap mabuhay sa mundo lalo na kung pati magulang mo hindi napapansin ang pagsisikap mo.

"Mom, punta po kayo sa recognition ko ha," ngiting sabi ni Nailah.

"Valedictorian ka ba?" tanong ng dad niya.

"Hindi po," nakayukong tugon niya.

"Hindi naman pala, bakit kami pupunta?" mataray na sabi ng mom niya.

"First honorable po ako mom," dagdag pa ni Nailah.

"First honorable lang? Alam mo bang valedictorian ang mga kapatid mo tapos ikaw 'yan lang kaya mo then try harder Nai" inis na sabi ng mom niya.

"I will," paiyak niyang tugon.
"Tara na hon, 'wag ka nang mag-aksaya ng oras, dissapointed kami sa 'yo Nai," sabi naman ng Dad niya.

See? 'di na nga sila makakapunta, nagsabi pa sila ng mga salita na ikaka-down ko. Ang masakit pa na-compare pa ako sa mga kapatid ko.

Nagkulong ako sa k'warto dahil sa bigat ng pakiramdam ko, feeling ko napaka-walang kwentang anak ako para sa kanila.

2 new messages:

Joan texted you, "tara shot 'wag kang magmukmok d'yan."

"Deal!" she replied. Buti na lang and'yan ang mga barkada ko sa oras na malungkot ako.

Gabing-gabi na siya nakauwi at lasing na lasing pa.

"Bakit ngayon ka lang?" bungad na sabi ng Dad niya.

"Anong paki niyo?" sagot ni Nai ng pabalang palibhasa malakas ang epekto ng alak sa kanya.

"Aba't 'yan ba ang natututunan mo sa barkada mo–mawalan ng galang sa magulang?" di mapigilang galit ng Mom niya.

'Di nalang siya sumagot dahil hahaba pa ang sermon ng magulang niya. Masakit na din ang ulo niya para makipag-usap pa.

"Simula ngayon 'di ka na makikipagbarkada sa mga 'yon" dagdag ng Dad niya.

"Whatever you say, I don't care" inis na sabi niya sa mga ito.

Siguro naiinis na kayo sa akin 'noh? Kapag mali ko napapansin nila, pa'no naman yúng mga achievements ko–baliwala nalang ba 'yon?

My rebellious side continues, nagka-boyfriend ako kahit pinagbabawalan nila ako.

But one day nahuli ko siya kalandian ang kaibigan kong si Joan.

"Bakit sa dinami-dami kong magiging kaagaw sa kanya, ikaw pa Joan–na tinuring kong kaibigan," galit na sabi ko sa kanya.

"Sorry Nai hindi ko sinasadyang mahalin ang boyfriend mo, sorry.." hinging tawad nito.

"Sorry? mapapawi ba niyan ang sakit na nararamdaman ko? Maging masaya sana kayo!" sabi ni Nai sabay alis niya.

Bakit ba napakalupit ng mga taong minahal ko, lahat nalang ng sila sinasaktan ang damdamin ko.

"Wala ba nga ba akong k'wentang anak?"

"Hindi ba ako kamahal-mahal?"

"Anong ginawa kong mali sa mga kaibigan ko para lokohin ako ng ganito?"

"Gan'on ba ako kadaling palitan?"

Mga paulit-ulit na tanong ko, na walang malinaw na kasagutan.

"No, hindi ako magpapatalo sa pagsubok sa buhay. Someday masasabi kong worth it ang pag-papaaral sa 'kin ng magulang ko–magtatapos ako at magkakaroon ng stable na trabaho. Para sa kaibigan ko, hindi siya kawalan at mahahanap ko din ang ilang totoong kaibigan ko na iisipin din ang kabutihan ko. At sa unang minahal ko maraming salamat sa leksiyon na itinuro mo–mahahanap ko din ang taong nakalaan para sa isang tulad ko" buong pag-asang sabi niya sa sarili.

Simula ngayon araw-araw kong haharapin na may ngiti ang bawat problemang dadaan sa buhay ko–lalagpasan ko, kakayanin ko at magiging matatag ako para sa magandang kinabukasan ko.

Ang walang k'wentang katulad ko, pagdating nang panahon magiging isang matagumpay sa hinaharap.
_____

Personally nakarelate ako ng slight. 💕

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon