(64) Love Gone Wrong

19 1 0
                                    

Habang pinagmamasdan ko siya, napapangiti ako–naalala ko kung bakit ko ba siya minahal. Sa taglay niyang ganda, hahanga ka talaga kaya hindi nakakapagtakang madami akong kaagaw sa kanya. S'werte ko dahil ako pinili niya–ako ang minahal niya. But bigla akong malungkot, sadly may minamahal na rin pala siyang iba. This is my last date with her, kaya mapait akong napangiti.

"Malapit na ba tayo?" tanong ni Joan, ang aking nobya.

"Yes babe! Are you excited to my surprise?"

"Yes I am.. so drive faster babe!" Nakangiting sagot nito habang ibinalik na ang tingin sa labas ng bintana.

Matutuwa ka pa kaya sa gagawin ko? I'm sorry babe, but I have to do this.

Nang sa wakas ay nakarating na kami.

"Babe, kaninong bahay ito?"

"For us.."

"Whoa! I didn't expect this.. you really bought this house?"

"Yes.." nakangiti ko'ng sagot sa kanya. "Feel free to explore babe.."

"Oh sure!"

Manghang-mangha nitong pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. I buy this house for us, I work hard for this.

Masaya akong pinagmamasdan siya, "Just this one last glance, and we will say goodbye.."

"You're amazing babe! This is awesome!"

"For you babe, I can do all for you.. But there's more babe, just close your eyes."

"You really a boy with full of surprised huh?"

"Yes I am, so now closed your eyes. Don't spoil my surprise for you babe!"
"Okay! Okay!" then she closed her eyes at inalalayan ko siya patungo sa garden.

"You'll never forget about it babe, i'm sure of it!"

"You really prepared for this right?"

"Yes, you're worth of my effort, open your eyes.."

"Wow babe, this is so much!"

Bumungad lang naman sa kanya ang candle light dinner na inihanda ko. Nakikita ko na nagustuhan niya nga ito.

"Let's have some wine first.."

"Sure babe.." she gladly accept my offer.

Pinagmasdan ko siya habang iniinom ang lahat ng laman nito. Napangiti akong muli, this is it I can't back out with my plan. This is a goodbye, goodbye for our relationship and for our love.

"It tastes good babe, where did you buy this wine?"

"Do you want more?"

"Yes please!"

Nakangiti ko siyang sinalinan, "Do you like my surprise babe?"

"No.. but I love them!"

"That's my way to show how much I love you, do you love me too?"

"Ye–" I cut her off.

"Don't answer babe, I know you're not.."

"Wait babe.."

"You don't have to explain, I know everything! I know from the start na ginamit mo lang ako pero dahil mahal kita, pinalagpas ko.. I know na may mahal ka ng iba, pero nagpakatanga ako. I can do all the things to make you happy. But in return, all I received is pain.."

Pinagmamasdan ko siyang unti-unting natuutmba.

"What did you do.." namamaos nitong saad.

"You love this wine huh? But i'm sorry it may lead to your death babe.. This constains lason, lason ng pagmamahal ko sa 'yo!" tuluyan na nga siyang natumba.

Hinawi ko ang dinner table, agad ko'ng inalis ang plywood na tumatabon sa hinukay ko kanina para dun ko siya mismo ilibing. Yes I planned for her death, and that was my surprised for her.

"Welcome to our house babe, you'll staying here forever. Don't you think papayag akong pakawalan ka pa? You're mine alone, rest in my heart forever, goodbye.."

After 2 hours..

Masaya akong makakasama ko siya sa aking bahay, habang buhay. Naghanda na ako para matulog ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. May narinig akong mga kalabog sa aking bintana, ngunit 'di ko pinansin at nagbukas na lamang ng libro.

"Psst! Psst!"

"Huh? Sino 'yon?" Nilibot ko sa paligid ang aking paningin ngunit wala akong nakita.

"Psst! Psst!"

Guni-guni ko lang ba 'yon? Hanggang sa may malakas na kumatok sa bintana.

"Sino 'yan?"

Isang nakakakilabot na tawa ang aking narinig, "Nakalimutan mo na ako agad babe, madali ka na atang makalimot?"

"Joan? No patay ka na!" Nakokonsensiya na ba ako kaya pati boses niya ay naririnig ko na..

"Yes patay na ako.. pinatay mo!"

"Hindi ka totoo, nasa isip lang kita!"

"What if.. i'm real?"

"No.. patay ka na!"

Hanggang sa sunod sunod na kumalabog ang bintana, 'di nagtagal ay may unti-unting bumabakas na putik na korteng kamay.

Nangilabot ako sa nakita ko, hanggang sa ang bintana ay nabasag nito sa patuloy nitong paghampas. Hanggang sa namatay ang ilaw at nakakita ako ng babaeng galit na galit at nanlilisik ang mata.

"Aahh!" sabay na sigaw ng magkakaibigang sina Blaze, Khyren at Micaela. Kasabay ng biglang pagbrown out kaya napayakap sila sa isat-isa.

Bigla naman kumalabog ang glass sliding door. Nasa sala sila, kasalukuyang nanonood ng one shot films.

"Mga bes, si Joan ba yan na nasa film?" paiyak na tanong ni Micaela.

"My ghad Cassy, paanong nakalabas yan mula sa tv aber?" pambabara naman ni Khyren.

"Oo nga naman pero sino naman ang kakatok ng hating gabi mga bes?" natatakot na saad ni Blaze.

Nagkatinginan silang tatlo, kasabay nito ang malalakas na pagkatok. Nang may mapansin silang bakas ng putik galing sa mga kamay.

"Waah Joan.. hindi kami ang pumatay sa 'yo!" biglang tili ni Blaze.

"Inosente kami Cassy huhu!" singit naman ni Khyren.

Habang si Micaela ay sumigaw na lang sa takot dahil kasabay ng kidlat, nakita niya ang isang pigura ng babae, "Aahh!"

Napatigil na lang sila dahil sa isang galit na galit na boses, "Kapag hindi niyo pa 'to binuksan hindi lang salamin ang babasagin ko, idadamay ko na mga mukha niyo!"

Natauhan naman sila sa narinig, hindi si Joan ang kumakatok kundi si Jia, ang isa pa nilang kaibigan.

Galit itong tumingin sa kanila, "Bakit 'di niyo agad binuksan ha?"

"Kasi akala namin si Joan na.." explain agad ni Micaela.

"Bakit kasi may putik effect ka pa sa pagkatok ha?" intriga ni Khyren.

"Nahulog ako sa bangbang kanina, at nadulas naman jan sa labas kaya putikan!"

"Hays akala namin kung sino na.." hingang maluwag ni Micaela.

"But sinong Joan?" tanong ni Jia.

"Siya si–" sasagot na sana si Blaze ngunit pinutol ito ng isang tinig.

"Ako!"

"Aaahh!" sabay na sigaw ng tatlo samantalang si Jia ay unti-unting humarap sa pinanggalingan ng boses.

"Ahhhh!" sigaw niya sa takot dahil may isang nkangising putikang babae ang gumulat sa kanya.

————
Maiyak sana kayo!😅😂

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon