@atingbitterkyut"Heto na naman tayo babe, bakit mo ko niloko? Anong ginawa kong mali sa 'yo ha!" galit kong sabi sa kanya.
"Let me explain babe!"
"Then talk to my knife babe! Bagong hasa yan, na sa iyo'y gagahasa," ngising sabi ko sa kanya.
Nagpupumiglas siya at gustong kumawala sa pagkakahuli ko sa kanya. Agad kong hinawakan ang ulo niya at pinukpok ng matigas na bagay na hawak ko.
"Hmmn? Ano bang gagawin ko sa 'yo? Let me think babe!"
"Please babe, maawa ka sa 'kin!"
"Awa?–naawa ka rin ba sa 'kin? Hmmn mukhang alam ko na ang gagawin sa 'yo,"
Hinawakan kong muli ang ulo nito, pumapalag pa sa simula ngunit walang awa kong tinaga at tinanggal kaya tuluyan na siyang nawalan ng hininga. Tumalsik ang dugo na 'di ko na inalintana, sunod kong tinanggal ang mga balat nito sa katawan.
Tinanggal ko din ang mga lamang loob nito, wala akong itinira maski puso niya, "Ito ang nararapat sa 'yo, matitikman na rin kita sa wakas!"
Tinanggal ko ang kamay at paa. Hinati ko ang katawan nito sa gusto kong bilang. Nilinis ko sa tubig para matanggal ang mga pumapatak na dugo. Inilagay ko ito sa kaserola at ngayon ihahanda ko na ang sangkap–naghiwa muna ako ng sibuyas, bawang, at luya. Isinama ang mga ito sa kaserola. Ngayon konting asin at nilagyan ko ng paminta.
"Ready na siya isalang para maluto, oh wait suka pa pala at magic sarap pampasarap!" Isinalang ko na ito sa apoy para maluto at hihintayin ko na lang kumulo.
Habang naghihintay, naisipan kong iprito ang itlog at talong, "Masarap na putahe ang nakaabang kong kainin! Sorry babe but let's kill this love and be my lunch today!"
Naamoy ko na ang mabangong aroma na nagpapakulo sa aking sikmura, "Hmmn, mukhang luto ka na," dagdag ulit ng konting asin at finished na dahil luto ka na.
"I'm sorry babe, dahil dumating sa puntong iniluto pa kita. Pasens'ya na kung ako'y napuno na sa kakaisip sa 'yo sinta. 'Wag kang mag-alala dahil sa tiyan ko nama'y ikaw mapupunta." mangiyak ngiyak kong sambit.
"Pinatay ko si babe, wala na siya at nailuto ko na. Isa na siyang masarap na paksiw na bangus na nakahain sa mesa! Paalam mahal kong bangus, hanggang sa muli babe," at sinunggaban ko na ang nakahain.
––
Ulam namin ngayon si Daddy Bangus whahaa! Naluto ko na with pritong itlog at talong yum! Wala lang nagdrama ako sa pagluluto ko skl! Kain tayo uwu!
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
De TodoCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner