(73) Omegle

27 0 0
                                    

Out of curiosity and boredom, I immediately go to the site and open Omegle app.

Sobrang trending sa newsfeed ko, so I must try it also. Omegle–Talk to strangers. I clicked start a chat, and I now chatting with a random people.

Masarap pa lang makipag-usap sa iba.  Makahanap kaya ako ng jowa dito? So I search a certain topic, "Finding Jowa!"

"Hi?"

Emegesh may nagchat agad!

"Hello? Are you a M?"

"Yes and you're a F?"

"Yes! Aayt bongga, pakasal na tayo!" reply ko dito, kahit alam kong 'di niya maiintindihan ito.

"Finally! May pilipina na din akong kausap! Tara sa simbahan!"

"Sige, kailan ba?"

"Gusto mo ngayon na? Para akin ka lang! Ako nga pala si ben, ang Benigay sa 'yo ng maykapal!"

Aminin ko man sa hindi, kinikilig ang braincells ko.

"Ako si Hsy Mira, ang makakasama mo sa pagtanda.

"Hoy bata ka, tama muna ang cellphone! Maghugas ka na ng pinggan!" sigaw ng nanay ko.

Hays! Kahit kailan kontrabida si Mama sa poreber ko!

"Bye muna Ben ko, kailangan matuto muna ako sa gawaing bahay para mapagsilbihan kita!"

"Sige Mira ko, hahanap ako ng trabaho para maibahay na kita!"

Nadaanan ko sila Mama at Papa na tutok na tutok sa cellphone nila. Yeah may kanya kanya kaming mundo dito sa bahay kapag nakaharap sa cellphone.

Pagkatapos ko sa gawaing bahay, I chatted him again. Madami kaming napag-usapan at marami pala kaming pagkakaparehas ng likes and dislikes.

It's been a week simula ng pakikipagchat ko sa kanya. And finally we decided to meet, hindi ko inakalang magkalugar lang pala kami.

"Saan ka pupuntang bata ka ha?"

"Makikipagmeet sa future manugang niyo! Bye ma!"

"Hoy! Aba't! Porket kakaalis lang ng tatay mo, tumakas ka na agad!"

Wala ng nagawa ang bunganga ni Mama, dahil walang makakapigil sa forever ko!

At the meeting place..

"Gosh! Ba't andito si Papa!"

Agad akong tumalikod ngunit narinig ko ang tawag niya sa akin.

"Bakit gan'yan ang bihis mo ha! Nakamake-up ka pa!"

Paktay ang beauty ko!

Agad akong umamin sa kanya, "Makikipagkita po ako sa future asawa ko Pa.."

Agad itong natawa sa pinagsasabi ko, "Aba't sino naman ang nagkamali sa 'yo ha?"

Abuh, hindi naniniwala ang Papa ko ha, makikita niya 'pag dumating na si Ben ko!

"Teka Pa? Anong ginagawa mo dito, mukhang bihis na bihis ka ah?"

"Uh.. Eh.. Makikipagkita lang sa isang kaibigan.." namumutla nitong sagot.

Hindi pa rin ako convince eh, "Talaga ba? Kaibigan lang?"

"Aba't oo! Eh sino ba ang hinihintay mo dito?"

"Si Ben ko! Future manugang niyo!"

"What! Ikaw si Hsy Mira?"

"Bakit niyo po nalaman ang rper name ko–"

Then suddenly we realized, we meeting and waiting each other iww.

"Hoy kayong dalawa, hala umuwi sa bahay!" sigaw ni Mama na sumunod pala.

"Ayan Ma, nakikipaglandian!" Nagturuan kami agad ni Papa.

Agad naman tumingin si Mama sa amin, "Ikaw Bentong, tigil tigilan mo na pambabae mo ha!" sermon ni Mama kay Papa sabay sapak dito.

Natawa naman ako, buti nga kay Papa! Pinaasa ako sa forever!

"At ikaw Mando! Tigil-tigilan mo na din ang pagpapanggap bilang babae! Wala ka pa din matres, 'wag mo'ng kalimutang may titigas pa din sa 'yo!"

Napasimangot naman ako..

"Hala uwi! Tigil tigilan niyo na kakalandi!"

Pashneang Omegle na yan! Paasa!

———
Omegle pa more 😂

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon