"Pre, kabuwanan mo na ba?"
"Oo pre, last check up ko na nga,"
"Kaya pala sobrang laki na ng tiyan mo, mabuti ka pa.."
"First time Dad ba pre?"
"Oo pre, natatakot akong manganak! Hindi nga ako maalam umire,"
"Lahat naman tayo pre hindi maalam, pero kapag tapos na maghilab ang tiyan mo ay pumutok na panubigan mo, and'yan na ang urge nating umire ng malakas at para finally ma-meet na din natin ang baby natin. Sobrang nakakakaba kapag first time Dad at the same time overwhelming ang feeling."
"Gano'n ba pre? Salamat sa encouragement mo. Si misis kasi mukhang hindi ako masasamahan sa loob, mahina kasi sikmura niya hindi niya kayang makitang nahihirapan ako magluwal ng baby namin."
"Gano'n din misis ko pre! No'ng sa panganay ko nga nahimatay pa no'ng sumabog na panubigan ko. Nagising na lang siyang yakap ko na ang baby namin."
"Epic pala pre 'no? Buti ka pa nakaluwal na ng supling, kinakabahan ako kapag time ko na mismo."
"Kaya mo 'yan pre. Oo nga pala, 'wag hawak ng hawak sa balakang mo ha, mas lalong sasakit kapag naghihilab na, kung maari iwasan mo ang paghawak,"
"Maraming salamat pre sa advice ha?"
"Walang anuman. Si misis masyadong mahilig kasi, ayan lumobo tuloy tiyan ko nasundan agad namin si junior."
"Misis ko din pre! Sobrang hilig, malaki na nga tiyan ko, gusto pang maglambingan kami,"
"Oo nga pre, pero it's good daw to have sex sa mga misis natin lalo na kapag kabuwanan mo na, para mabanat ang labasan ng bata,"
"Talaga ba pre? Walang damage sa bata 'yon?"
"Oo pre, suggested ng doctor sa akin noon. Dati kasi wala akong naramdamang hilab kahit due date ko na no'ng araw na 'yon. Sabi ni doc para 'di maoverdue, magpaggamit kay misis as long as 'di maiipit si baby, and it helps nga pre, kinabukasan naghilab at naglabor na ako."
"Wow, I didnt know that."
"But better yet kumuha ka ng advice sa oby mo, ibat-iba kasi tayo ng karanasan lalo na 'pag first time."
"Sure I will, can I get your number pre? I think I need your advice and be also my friend?"
"Sure pre! Here's my card."
"Sige mukhang ako na ang susunod na tatawagin. Sa susunod ulit pre,"
"Sige pre, see you soon with your baby.."
"Salamat ulit pre,"
____________
What if boys talking like this? Hmmmn? 😂
![](https://img.wattpad.com/cover/190238161-288-k41027.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
De TodoCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner