Ako si Zean, suntok dito, suntok doon–basagulerong tunay, gan'yan ang araw-araw kong buhay simula nang malaman ko yo'n. Lagi na lang ako nakikipag-away para maibsan ang sakit ng nararamdaman ko sa puso ko–mga hinanakit ko sa kanya. Pati pag-aaral ko pinabayaan ko na, ewan ko ba kung bakit 'di ako ma-kick sa paaralan na yo'n–dahil siguro sa kanya.
"Anak anong nangyari sa'yo? Bakit may pasa na naman ang mukha mo?" tangkang hahaplusin niya ang mukha ko ngunit tinabig ko ito.
"TSS!" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nagtratrabaho pa rin siya do'n at mukhang kakauwi niya lang galing sa kung saan, "Don't you ever touched me!" sabay alis ko.
Hindi niya na nakita ang lungkot at pagod nito sa pag-alis niya. Samantalang pumunta siya sa tambayan nila.
"Bad mood again?" tanong ni Tann, isang tukmol kong kaibigan.
"Tss, bigyan mo ko ng yosi baka mabugbog kita ng wala sa oras,"
"Chill! heto na," sabay abot nito ng yosi sa kanya, "lighter oh!" pahabol pa nito.
"Sabi ko na nga ba nandito ka na naman," nakapamewang na sabi ni Aiz–ang kaibigan kong "Good influence" daw, Halika na at papasok tayo at bawal ang salitang hindi sa akin" hiniklat nito ang sigarilyo ko at buong lakas akong hinila.
"Sigurado ka ba na babae ka Aiz? dinaig mo pa si hulk ah" birong sabi ng kadadating lang na si Zenon.
Isang masamang tingin ang binigay ni Aiz sa tatlo, "papasok kayo o mabubugbog ko?" sabay pakita ng braso niya.
"Tss/Fine/Suko na hulk" sabay-sabay namin na saad.
"Kailangan niyong mag-aral, pa'no na future niyo. Kung araw-araw kayong makikipagbanatan ng buto sa bugbog, anong mangyayari sa inyo? Sayang lang ang pagod at hirap ng magulang niyo–"
Nagsalpak nalang ako ng earphones at nakinig sa music kaysa sa walang katapusan na sermon ni Aiz habang papasok sa school.
Natapos ang klase na wala akong natutunan. Natulog at nakinig lang ako ng music maghapon sa loob ng klase.
"Brad, bar tayo mamaya" aya ni Tann.
"Anong bar?" sinamaan niya ito ng tingin, "Magreview kayo dahil may quiz pa tayo bukas!" singit na naman ni Aiz.
"That's cool! Sumakit ulo ko dahil sa math na yan, wala pa nga akong x, pinapahanap na agad ni Sir!" reklamo ni Zenon
Tumango nalang ako at 'di pinansin ang masamang awra ni Aiz.
At the bar..
Inom dito, sigarilyo doon. Nakaupo ako sa stool, pinapanood ang mga kaibigan kong mukhang timang na sumayaw habang dahan-dahan kong nilalagok ang alak."Hoy Zean, 'wag mag-pakalasing," biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Aiz, "pati pa naman isip ko binubulabog mo," natatawang sabi ko na lang at hininto ang pag-inom.
Lumalim na ang gabi at napagpasyahan na namin na umuwi. Hindi kami nagpakalasing dahil may konsensyang Aiz na bigla-biglang nalitaw sa isipan namin.
'Di ko inaasahan na matanaw ko siya. Ang aking ina kasama ng bagong kumakaladkad sa kanya ngayong gabi. Dala ng alak 'di ko na napigilan lapitan siya at sumbatan–lahat ng hinanakit at pang-iinsulto sinabi ko.. sinabi ko sa Ina ko nang gabing iyon.
"Bago na naman costumer Maria Merces?" nakangisi kong sabi sa kanya, "hindi ka ba talaga papayag na wala kang mabibiktima ng alindog mo? Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo?" tiningnan ko ang kasuotan nito na sobrang nipis at hapit sa katawan, "tss wala ka man lang ititirang dignidad para sa sarili mo? Basta tawag ng laman sige ka lang, makaraos lang 'yang init ng katawan mo? Ano pa bang hindi mo naibibigay–wala na yata, wala ka nang tinira para sa sarili mo!"
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomCompilation of my written short story, it's all about love, family, boyfriend and kabaliwan ko😂 Enjoy reading. Add me on Facebook, Saichii Faulkner Gray or Saichii Akihara Gray Faulkner