(107) Let's Sleep

19 0 0
                                    


Tahimik akong gumagawa ng project namin sa sala nang biglang...

"Jacee..." tawag ni Mama.

"Mama? Kailan ka pa nakabalik?"

"Ngayon lang..."

"Saan ka ma nanggaling? Nag-alala ako sa 'yo nang hindi kita madatnan sa bahay. Bakit kasi bigla kang umalis?"

"I'm sorry... Can we just sleep anak?"

"Sige po Mama, ligpit ko lang itong mga gamit ko,"

Nanatiling tahimik si Mama kaya napatingin akong muli sa kanya.

"Halika na Jacee..."

"Opo ma,"

Hanggang sa tumunog ang aking cellphone.

"Hello?" ani sa kabilang linya.

"Hello din po,"

"Ikaw ba ang anak ni Mrs. Gel?"

Napatingin akong muli kay mama, nginitian lang ako nito.

"Ah yes sir. Bakit po?"

"I'm sorry Iha, natagpuan namin ang katawan ng iyong ina dito sa bakanteng lote, pakipuntahan na lang siya sa pinakamalapit na morgue..."

Napatingin muli ako kay Mama.

"Let's sleep..." muling sambit nito.

"Iha? Iha? And'yan ka pa ba?"

"Sigurado kayo s-sir?"

"Yes, nakumpirma ito ng inyong kapitbahay kanina,"

"So, sino ang kasama ko ngayon?"

Nakita kong ngumiti ulit si mama, "Let's sleep, Jacee..."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, matutuwa, malulungkot o matakot. Hindi rin ako makagalaw na tila naging bato na ako sa aking kinatatayuan.

"So, s-sino nga ba ang kasama ko ngayon?"

Nakita kong nag-iba ang mukha ng aking mama, maamo hanggang sa naging nakakakilabot. Tuluyan na akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"Let's sleep!" galit na sigaw nito.

Sana himatayin na lang ako. Sh*t help!

_____

Very short, ayaw magpub? Amp.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon